Natatawa ako habang nagpapaliwanag si Kael sa akin. Pero nakaramdam din ako ng kaba. Iba ang pakiramdam ko sa babae na pakialamera na ‘yun. “Anong name niya?.” Tanong ko sa aking kasintahan. “Cataliya” Sagot naman nito na mukhang walang gana. “Maganda ba siya?.” Tanong ko ulit sa lalaki. Para masiguro ko kung no match sa akin. “Hmmmm. I don't know, sabi ng mga employees maganda daw.” Nag-iisip muna bago sinagot ni Kael ang tanong ko. Sa palagay ko, maganda ang babae. Maganda kasi si Ate Love. Imposible naman na may lahi sila na pangit. At gwapo din si Ian huh! “Kailan ang balik ninyo dito?.” Tanong ni Kael na inilingan ko. Dahil hindi ko din talaga alam kung kailan kami makakabalik sa bansa. “Kung kailan kami payagan ng Doctor, at kapag okay na ang lahat. Gusto ko na din umu

