Nakatulala ako sa labas ng bintana nitong eroplano na aming sinasakyan ni Lola. Pinagmamasdan ko lang ang ulap habang gumalaw. “Apo, ayos ka lang?.” Tanong ni Lola na inabot pa ang aking kamay at hinaplos niya. Noong bata pa ako, madalas niya itong gawin lalo kapag kinakabahan ako. “Hindi ako okay, Lola. Masama ang loob sa akin ni Kael, pero matagal na itong plano sa utak ko. Sana maintindihan niya ako, kapag lumipas na ang tampo niya.” “Magiging maayos din ang lahat, apo.” Tumango lang ako kay, Lola. Sinubukan ko ipikit ang aking mga mata. Pero mukha ni Kael ang naiisip ko, at ang posibilidad na pwede akong ipagpalit niya ako sa iba. Sabi nga ng sikat na linya. “Absence makes heart go and find another.” Parang gusto ko na bumaba ng eroplano at bumalik kaagad sa bahay ng lalaki.

