Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nahiga. Ang huling natatandaan ko lang, nabaril ako ng madrasta ko. Ibang klase din talaga ang matandang ‘yun. Nakaposas na at lahat, nagawa pang mang-agaw ng baril sa pulis. Bakit ba lagi may ganitong eksena? Akala ko sa mga balita ko lang mapapanood sa telebisyon o sa mga drama at action. Pati pala sa tunay na buhay may ganito din. “Baby, gumising ka na diyan. Miss na miss ko na ang kakulitan mo. Kahit gawin mo ng tenola ang mga manok na panabong ni Lolong payag na ako. Basta't gumising ka lang diyan.” “Boss naman! Bakit naman pati manok ko?.” Naririnig ko na nag-uusap si Kael at ang paborito nitong tauhan. May katandaan na ang lalaki na long hair, pero ayaw pa rin iwan si Kael. Mas kabisado daw kasi niya ang negosyo. Sabi din sa akin

