Nagising ako sa sinag ng mainit na sikat ng araw. Ininat ko ang aking mga braso at napalingon ako sa katabi ko. “Good morning, Kael.” Nakangiti na pagbati ko sa lalaki na mahimbing pa rin ang pagtulog. Inayos ko ang aking buhok, gamit ang aking kamay. Napatingin ako sa aking daliri, kaya pala may kakaiba. Ang ganda ng singsing. Maliit lang ang bato at design nito ay napakasimple lang. Napangiti ako at impit na tumitili sa sobrang kilig, nakatulog kasi ako kagabi sa sobrang pagod. Nagpaka-cowgirl ako na pang vivam*x ang atake. “Ay putcha!.” Mura ko ng paggalaw ko, parang hihiwalay ang aking balakang. Grabe naman kasi ang pananabik namin ni Kael sa isa’t-isa. “Hmmmm. Maaga pa, matulog na muna tayo.” Mahinang sabi ni Kael sabay yakap sa aking bewang. Ang gwapo talaga ng lalaking

