Pangatlong araw na ni Lola ngayon sa hospital. Nagkukwentuhan sila ni Daddy at Ate Juicy ngayon. Habang pinagmamasdan ko si Lola, nakakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Masyadong risky ang pagpapa-opera. Matanda na ito at sigurado na hindi na niya kakayanin pa. Napatingala ako sa langit. Ang aliwalas ng panahon. Kalmado at wala man lang indikasyon na uulan. “Ang ganda ng langit, baby.” Napalingon ako kay Kael na nagsalita. Pinulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at hinaplos ang malaki ko na tiyan. “Ang langit ay ang tirahan ng Diyos, kung saan meron daw paraiso. Doon daw, tanging kaligayahan, kapayapaan at walang hanggan ang buhay. Isipin mo na lang, kung nandoon si Lola Remedios, hindi na siya pahihirapan ng sakit.” Malambing na sabi ng aking asawa na para bang

