Nasasaktan ako para sa mga anak ko. Kung dati nagawa ko agawin si Blake sa ate ko, bakit hindi sa ibang tao? Lalo at ako naman ang asawa at may kambal pa kami na anak. Hindi ako papayag na ganun na lang. Dinampot ko ang aking cellphone at tinungga ang alak na laman ng aking kopita. Pinindot ko ang numero ni Kael na bago niya ibigay dati, paulit-ulit ang bilin sa akin na tatawagan ko lang daw siya kapag importante. “What?!” Malakas na sigaw ni Kael ng tawagan ko. Mukhang nasa bar ito dahil ang lakas ng sounds. Naiinis ako na pinatay na lang ang tawag at nag-ayos sa aking sarili. “Ang ganda mo talaga, Love! Tapos iiyak ka lang? No! Lalaban muna tayo, kapag natalo, doon tayo iiyak!.” Parang baliw na kausap ko sa aking imahe sa salamin. Backless elegant sexy bodycon dress ang suot ko a

