SA ABOT NG AKING MAKAKAYA ay ginawa ko ang lahat para makaiwas kay sir Phoenix.Ito ang tanging paraan na alam ko matapos ang may mangyari sa amin. Pag-iwas na dapat talaga ay noon ko pa ginawa at hindi nagpadala sa tukso at sa kahibangan ko para sa amo.Tinataon ko talaga na kumilos sa loob ng pamamahay nito pag wala sa paligid ang amo.Ginagawa kong busy ang sarili at kung magka salubong naman kami ay ako na ang unang iiwas at mag-iiba ng direksyon. Sa loob ng dalawang linggo ay gano'n ang ginawa ko.Tamang-tama naman na nagiging busy ang amo sa trabaho nito kaya madalas wala sa bahay sa maghapon at kung magkita man sila ay sa gabi na.Ipinagluluto ko pa rin ito at ipinaghahain pero hindi na kagaya noon na kasabay ako dahil pagkatapos ko magluto ay nauuna na akong kumain bago pa man ito duma

