ROWENNA SANDOVAL Shet! Nakalimutan kong kumain kaninang umaga kaya tuloy pigil na pigil ako ngayong tumayo dahil baka dumiretso ako sa baba para kumain kahit wala pang lunch time. Panay tuloy ang tingin sa orasan dahil binabantayan ko ang oras. Isang oras na lang at malapit nang sumapit ang lunch time pero habang panay ang tingin ko sa orasan ay parang tumatagal din tuloy lalo ang pagdaan ng oras. Hanggang sa hindi ko na namalayan na tumunog na rin pala ang tiyan ko dahil sa sobrang gutom. Nabaling ang tingin ko sa direksiyon ni Ronald na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binibigyan ng gawain. Hindi pa nga rin siya nagsasalita simula nang nangyari kanina. Tsk. Dahil sa ginawa ni Ronald, nagkaroon tuloy ng akwardness sa pagitan naming dalawa. Isang malalim na buntong hininga ang na

