ROWENNA SANDOVAL
Naglalakad ako patungo sa office ni Ronald. Yumuko na lang ako nang mapansin ang tingin sa akin ng mga empleyado na nadadaanan ko at pasimpleng nagbubulungan.
Binaba ko ang suot kong damit na may bahid ng matsa dahil sa nangyari kanina at isang malalim na buntong hininga ang aking napakawalan.
Nang marating ko na rin sa wakas ang office ni Ronald ay inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid bago ako tuluyang pumasok dito.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nag-angat na agad ng paningin si Ronald at nang makita niya ko ay bigla na lang nagbago ang expression ng kanyang mukha.
Pinagmasdan niya ko mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nilapag ni Ronald ang hawak niyang ballpen sa kanyang lamesa at umayos siya ng kanyang pagkakaupo bago niya ko hinarap ng maayos.
Ang kapal talaga ng lalaking 'to.
Naglakas-loob akong lumapit sa direksiyon ni Ronald kahit na nakikita ko ang uri ng mga titig niya sa akin.
Patay. Hindi na ito katulad ng dati.
"What are you still doing here?"
Huminga ako ng malalim upang pigilan ang aking sarili. Kalma lang. Wala pa kami sa exciting part.
Umupo na muna ako sa kaharap niyang upuan bago ako nagsalita.
"Ronald-"
"Speak formally. You are in my office and I am the CEO of this company." He stared at me with authority.
Hindi ko na tuloy mapigilan matawa ng mapakla dahil sa sunod n'yang sinabi.
"Wow. Kung makapagsalita ka parang hindi mo ko kinama dati ah. Patapusin mo muna ako magsalita bago ka kumontra d'yan. Hindi naman kita hihingian ng pera. Tss."
Buti na lang at kumain ako bago ako pumunta rito dahil baka nakain ko na ang isang 'to. Wala pa rin siyang pinagbago. Tss.
"Ms Sandoval, I thought it's already clear to you yesterday that I already broke up with you. Still can't believe it?"
Natigilan ako bigla. Akala ko kaya ko na at naihanda ko na ang sarili ko sa mga salitang binitiwan sa akin ng kaharap ko ngayon, pero hindi pala. Hindi pa rin maiwasan kumirot ang puso ko habang nakatitig ako sa kanya.
Sinubukan kong ipikit-pikit ang aking mata para pigilan ang mga luha na nagmamadya na naman dito. Akala ko ay tapos na ko umiyak kahapon, pero hindi pa pala.
"Nandito lang naman ako para iklaro ang lahat e. Hindi. . . Hindi pa magaling ang nanay ko. Makakaasa ba ko na susundin mo pa rin ang pangako mo sa akin na tutulungan mo kami kahit end na ng contract?"
Pinagpatuloy ni Ronald ang kanyang ginagawa kanina. May sinulat siya sa isang blankong papel bago siya muling nagsalita.
"I already told you yesterday that the contract about that is still on-going. I can assure you that. Now, you can leave if you don't mind because I'm very busy, Ms Sandoval."
Tumango na lang ako sa kanya at tumayo na ko para lumabas na ng kanyang office.
Nang makalabas na ko ng kanyang office ay saka lang ulit nagsibagsakan ang mga luha ko. Akala ko ay kahit away, may tinira siya sa akin pero wala na pala.
Mukhang bumalik na siya sa totoong nagpapatibok ng puso niya.
Hindi man lang niya napansin ang madumi kong suot dahil sa mga marites ng kompanya nila. Ang kapal ng mukha nilang gawing miserable ang buhay ko dahil lang naging boyfriend ko ang may-ari ng company nila. Tss.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Kung sabagay, hindi naman kasi talaga ako ang mahal ni Ronald. Nagkaroon lang ng 'kami' dahil gusto ni Ronald na bumalik sa kanya ang haliparot na 'yon. Tsk.
At least, may napala pa rin ako sa pinunta ko roon. Hindi pa rin naman niya pababayaan si nanay. 'Yon lang naman ang dahilan kaya pumayag ako sa contract e.
*
Bago ako umuwi sa tirahan namin ni nanay ay naisipan kong bumili muna ng ulam sa karinderya para sa sarili ko. Simula kasi ng magkaroon ng sakit na cancer sa baga ang nanay ko ay naiwan ako sa bahay mag-isa. Kaming dalawa lang din naman ang magkasama sa buhay. Hindi rin naman ako p'wedeng magbantay sa kanya magdamag dahil walang mag-aasikaso sa mga kailangan niya sa hospital at sa iba pa.
May mga part time job ako, pero puro part time lang ang mga 'yon. Wala akong matinong trabaho. Kaya nga naisipan ko na lang din pumayag sa contract ni Ronald, pero after two years nag-end na rin agad 'yon. Ang malala pa, akala ko ay pareho na kami ng nararamdaman pero hindi pala.
Akala ko totoo ang lahat ng pinakita sa akin ni Ronald, pero hindi pala. Nang makita ko ang babae na sinabi niya sa akin two years ago ay saka lang din ako natauhan.
I'm just a substitute.
Pero, hanggang ngayon ewan ko ba. Parang pinapairal ko na naman ang puso ko. Nagawa ko pang dumaan muna sa company nina Ronald bago ako dumiretso ng bahay. Kulang na lang tanungin ko sarili ko kung ano pa hinihintay kong mangyari rito e. Tss.
Tumigil na lang ako sa paglalakad sa eskenita habang nakatanaw sa napaka laking kompanya ni Ronald ngunit agad din nagsalubong ang dalawang kilay ko nang may bigla na lang humintong sasakyan sa harapan ko mismo. Lumabas dito ang isang lalaki na nakasuot pa ng long sleeve at itim na pants. Sakto pagbaba niya ay may naglalakad ding lalaki.
Bigla na lamang niya itong sinikmuraan sa tiyan at agad itong nakatulog. Pagkatapos ay mabilis niya itong nilagay sa back seat.
Napatakip na lang ako ng aking bibig dahil sa aking nakita. Nanginig ang dalawang binti ko dahil sa takot. Bumalik kasi sa alaala ko ang mukha ng lalaki na sinikmuraan ngayon lang.
Si Ronald!
Lakad pa! Bakit kasi naglalakad ang isang 'yon? Tsk. Wala na dapat akong pakialam sa kanya kaso lang mali pa rin na iwan ko na lang siya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.
Inilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid subalit agad din akong natigilan nang makarinig naman ako ng isang malakas na tunog. Huli na ng mapansin ko na ako na pala ang sinuntok ng lalaki hanggang sa unti-onting lumabo ang aking paningin.