ROWENNA SANDOVAL Takte! Akala ko kanina ay kung sino na ang kaaway ni Keith. Akala ko nga ay ako ang sinasabihan niya. Nananginip lang pala siya. Tumabi ako kay Keith at naupo muna sa kama. Mukhang masama talaga ang expression ni Keith ngayon at may maliit na luha na kumakawala sa gilid ng mata niya kaya agad ko siyang ginising para naman matauhan si Keith. "Keith! Tanghali na! I mean, gising!" Nakailang beses ako sa pagyugyog ng balikat ni Keith para lang magising siya. Kinakabahan na nga ako dahil baka hindi siya magising. Waah! Tiyak na papatayin ako agad ng mga tauhan nito kapag nangyari 'yon. Pagkalipas ng ilang minuto ay unti-onti na ring nagdilat ng mata si Keith sa wakas. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang gising na siya. Akala ko talaga ay kung ano na ang mangyayari s

