ROWENNA SANDOVAL Bigla na lang hinawakan ni Ronald ang braso ko at hinila niya ko papasok sa malaking bahay na parang mansion na yata. Hindi ko nga anong ginagawa ng mansion na 'to sa gitna ng isla na kinalalagyan namin ngayon. Well, knowing Ronald ay siguradong sa kanya rin ang mansion na 'to. Nararamdaman ko na naman tuloy ang pagiging dukha ko. Damang dama ko rin 'to sa tuwing pumapasok ako sa penthouse ni Keith e. Pagkapasok namin sa loob ng mansion, akala ko ay may sasalubong sa aming mga katulong o tauhan ni Ronald dahil gano'n naman talaga lagi ang nangyayari kapag mayaman ang isang tao 'di ba? Pero shet! Nakalimutan ko na kaming dalawa nga lang pala ang tao sa buong isla na 'to. Anyway, hindi ko alam kung tao pa ba ko o robot na lang ni Ronald dahil siya na rin ang nagtulak

