ROWENNA SANDOVAL "Ahm, sir. Kasama po ba sa interview ang tanong ninyo? Kung hindi naman pasensiya na pero wala rin po akong balak na sagutin 'yan." Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko habang lumilipas ang oras. Pakiramdam ko ay alam na agad ni Ronald ang sagot sa katanungan niya kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. Paano kung malaman niya ang naging kasunduan namin ni Keith, 'di ba? Mas lalo na kong mawawalan ng kalayaan at iikli pa ang buhay ko kapag nagkataon. Kilala ko si Ronald sa loob ng ilang taon na naging magkasama kaming dalawa. Alam ko ang kaya niyang gawin sa oras na malaman niya na nagsisinungaling ang isang taong pinagkakatiwalaan niya. Ronald is not part of the mafia. He is just a plain CEO of a company but for some reason, when he's mad, I know that he could

