Surprise

1643 Words
Buong araw nasa park lang kami. May mga nagpipicnic, naglalaro, nagsasaranggola, at marami rin ang nagbibiskleta tulad namin. Binilhan niya ako ng ice cream, cotton candy, at kung ano ano pang pagkain na pangbata. "Alam mo naman kung buhay pa si Dexter ngayon e kasing edad mo na siya." Minsan talaga, kung umasta si Denver parang magulang na. Matured na siya kung mag-isip. Yung mga kasing edad nga niya e may mga anak na. Bakit siya wala? Wala pa ba siyang asawa o girlfriend? Gusto ko siyang tanungin kaso baka mabigyan ng ibang kahulugan yung mga tanong ko. Pero ginugulo talaga ako ng isipan ko. "Wala ka pang anak?" Umiinom kami ng softdrinks. Nasamhid siya. Umubo ubo siya kaya hinimas himas ko ang likod niya. Binilhan ko kaagad siya ng mineral water. "S-sorry kung nabigla ka." Isa akong malaking kahihiyan. "Ano kaba bakit ako magkakaanak? Wala akong asawa, wala akong karelasyon. I'm happy living alone." Sa gwapo niyan 'yan? Hindi ako naniniwala. "Bakit? para sa 'yo ba e matanda na ako?" "Hindi naman sa ganon." Napakamot pa ako ng ulo ko. "Six years lang naman ang gap natin. Hindi pa ako ganon katanda. Mahaba pa ang panahon. Hindi naman ako nagmamadali." "Bakit? Ikaw ba kung 25 years old kana ngayon, may asawa't anak kana? Iyon ba ang gusto mo?" "Syempre ayoko no." Umiwas ako ng tingin. "Hay nako Cristine. Ang dami mo nang iniisip na mga bagay na di pa kailangan. Mag-aral ka muna ng mabuti. At huwag ka muna magboboyfriend." Pakiramdam ko talaga magulang ko kausap ko ngayon. __________ Kinabukasan, nag-ayos na ako ng sarili ko. Naka uniporme ako noong maakisdente ako kaya iyon ang suot-suot ko ngayon. Malinis na ito. White fitted blouse na may dark blue na linings at ribbon sa baba ng kwelyo. Tapos black skirt na may light blue na linings sa baba. Iniiabot na rin sa akin ni Beatrice ang napakalinis kong black shoes. "Salamat, Ate Beatrice." Matamis na ngiti ang ibinalik ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko. "Alam mo ba Cristine. Magmula nung pumunta ka rito, lagi nang nakangiti at masaya si sir Denver. Alam mo ba na sobrang sungit niyan. Laging nakasimangot at laging umiiyak." Ibinulong niya pa ang huling salitang sinabi niya. Nakikinig lang ako. "Pero kahit ganiyan 'yan, napakabait na bata niyan. Sana lagi kang bumisita rito. Sa tingin ko, masaya siya kapag kasama ka niya." Bumilis ang t***k ng puso ko. "Ate, hindi ko alam kung makakabisita ako rito. Nakakahiya po kasi kay kuya Denver." Napayuko ako. "Basta bibisita ka. Hahaha." Inayos pa niya ang kwelyo ko. Nakakamiss si mama. Ibinaling namin ang tingin sa pinto nang magbukas ito. Si Denver ang pumasok. Eto, as usual. Nakatingin na naman siya sa akin. Lumabas naman si Ate Beatrice kaya naiwan kami ni Denver sa loob ng kuwarto. "That's your uniform?" Pagtatakang tanong niya. "Yes. Why?" Pagtatakang tanong ko rin. "Nothing." Tipid niyang sagot. "Let's go. Ihahatid na kita." Tumayo na ako at sinundan siya palabas. Bubuksan ko na sana ang pintuan sa backseat kaso nagtaka ako kasi binuksan niya yung pintuan katabi ng driver's seat. Nagkatinginan kami. Yung tingin niya na parang nagsasabi na 'Dito ka umupo'. "Ano gagawin mo akong driver mo?" Natawa pa siya. Mabilis akong lumapit sa kaniya at umupo na. Mahinahon lang ang pagmamaneho niya. Hindi ko magawang hindi isipin yung sinabi sa akin ni ate Beatrice kanina. Totoo kaya na lagi siyang malungkot at umiiyak? Bakit? Dahil ba kay Dexter? Bakit parang andami kong gustong malaman tungkol sa kaniya? Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako nung sinabi ni ate Beatrice na ansaya ni Denver kapag kasama ako. Ayokong umasa dahil alam kong may ibang kahulagan si ate Beatrice sa mga sinabi niya. Pero kung totoo nga na nagiging masaya si Denver kapag kasama ako, parang gusto ko na lagi nalang siyang kasama. Dalawang araw lang kaming nagkasama pero ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Kailan ko kaya siya ulit makikita? E ang tanging koneksyon lang naming dalawa ay si Dexter na childhood friend ko at kapatid naman niya. Buong biyahe hindi ko magawang hindi maging malungkot. Aaminin ko. Masaya rin ako kapag kasama ko siya. Yung sayang naramdaman ko noong mga panahon na kasama ko si Dexter. Itanggi ko man pero oo, mukhang nahulog na nga ang loob ko sa kuya ng childhood friend ko. _________ Nasa tapat na kami ng apartment na tinutuluyan ko. Bago pa man ako makababa, hinawakan niya ang kamay ko. Natigilan ako at lumingon sa kaniya. "Papasok ka ba bukas?" Tanong niya. "O-oo" Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Anlamig ng kamay niya. "May surprise ako bukas sa 'yo. Basta you need to attend your class tomorrow okay?" __________ Hindi ako mapakali sa kama ko. Anong surprise ang sinasabi niya? Ibigsabihin ba no'n magkikita kami kasi nga may surprise siya. Pero anong klaseng surprise! Ugh! Gusto ko nang matulog! Kinabukasan, nasa utak ko parin yung surprise na sinasabi niya. Pero may part din sa loob ko na excited ako kasi makikita ko siya ulit. Bigla akong natigilan. s**t? Pupunta kaya siya dito sa apartment ko mamaya. Ang kalat pa naman. T_T Inayos ko muna ang buong apartment ko. Maliit lang naman ito. Tamang tama lang para sa isang estudyanteng tulad ko. Pagkatapos nagbreakfast at masayang pumasok sa school. Nagcocommute lang ako araw-araw. Medyo may kalayuan ang school dito. Habang pasakay na ako ng bus, biglang may humatak sa bag ko kaya hindi ako naka akyat sa bus. Bigla ko siyang nilingunan. Oh s**t. Si Carlo. "Let's go to the car. Sabay kana sa akin." Eto na naman siya. Isasabay ako tapos pagkatapos ano? Magagalit na naman sa akin si Kyla kesyo ang landi ko raw kasi inaagaw ko sa kaniya crush niya. Tanginang 'yan. Kung umasta parang boyfriend si Carlo. "Hindi na Carlo. Salamat na lang." Aakyat na sana ako kaso naalala ko, damn! Naiwan ko wallet. Kaya napilitan akong sumakay sa kotse. Nasa backseat kaming dalawa. May driver e yayamanin. "Bakit absent ka ng dalawang araw?" Nagsalita ito habang nagseselpon. "May pinuntahan lang." Tipid kong sagot. "Saan naman? Sana isinama mo ako." Ayan na naman siya. Kung umasta e parang boyfriend ko. Bakit ko ba 'to naging kaibigan? Kung sa una palang ay alam kona na hindi kaibigan lang ang tingin niya sa akin, e di sana hindi ko na lang din siya kinaibigan noon. "Umuwi ako sa probinsya kasi binyag ng pinsan ko." Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Guwapo at mabait naman itong si Carlo. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Halos lahat. Lahat ng babae sa university ay may gusto sa kaniya. Yung iba siguro ay palihim lang. Kapag Valentine's day, halos mapuno ang locker niya ng mga bulaklak, chocolates at love letters. Minsan nga nagiging proud na ako sa sarili ko kasi never akong nagkagusto sa kaniya. Maraming may ayaw sa akin sa university. Syempre iyon yung mga babaeng may crush sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiinis sa akin e baliw na baliw itong si Carlo sa akin kahit alam na niya na wala siyang pag-asa sa akin dahil una palang, sinabi ko na na huwag siyang umasa. At ako naman, iwas na iwas sa kaniya. Ayoko ko nalang silang pansinin kahit minsan na naiirita na ako. Ikaw ba naman ang pagtripan at punit-punitin ang pinaghirapan mong note na back to back sa tatlong intermediate pad?! Punong-puno na ako no'n kaya lahat ng gamit ng taong gumawa no'n sa 'kin, hinagis ko mula 6th floor. Aba, hindi porket mayayaman sila, gaganituhin nila ako. Pagkababa ko sa kotse, nakita ko agad si Mia. Isa sa mga kaibigan ko. Inakbayan niya ako. Mukhang miss na miss na ako neto. "O kay tagal kitang hinintay~" Kumakanta pa ito habang patalon talon na naglalakad. Ayan tuloy napapatalon na rin ko nang wala sa oras. "Bakit kasabay mo na naman yang kumog na 'yan ah?" Si Carlo ang tinutukoy niya. Nasa likod namin siya. "Ewan ko rin ba." Nagtawanan kami. Lahat kaming magkakaibigan, BSOA ang kinuhang kurso. Kaya may time na pareho kami ng schedule. Pero ngayong second sem, may bagong schedule na. "Excited na ako. Bagong mga classmate, bagong mga professor." Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Mia. Mukhang kilig na kilig. Buti pa siya, araw-araw masaya lang. E ako, tamad na tamad nang pumasok. Sabi pa niya sa akin, kailangan ko raw ng 'inspiration' para ganahan ako pumasok. Sinubukan ko naman na magkacrush sa isa kong classmate kaso ayun, engaged na pala. Sinubukan din akong ligawan ng isa ko pang classmate kaso nililigawan palang ako, andami nang ayaw! Ano ako tuta? Mas lalo na kay Carlo. Napakayabang. Akala kayang bilhin lahat. Kaya mas pinili ko na lang muna na maging single. Hindi naman ako nagmamadali. Aantayin ko na lang ang talagang para sa akin. Malay ko naman e nandiyan lang siya sa tabi tabi. Pumasok na ako sa first subject ko. Halos nandito na ang lahat. May bakanteng upuan malapit sa bintana. Doon nalang ako. Inaantok pa ako dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa desk. Babagsak na sana ang mga mata ko nang marinig ko na nagsitayuan ang mga classmate ko at binati ang professor na pumasok sa room. Tamad na tamad akong tumayo at kinusot kusot ang mga mata ko. "Take your seat." Pamilyar ang boses! Umupo ako at ipinikit pikit ang mga mata kong nanlalabo. Marami rin akong naririnig na mga babaeng nagbubulungan. *Tangina siya professor natin? Nasa langit ba tayo?* *Kukunin ko agad number neto mamaya* *Grabe sisipagin ako pumasok neto* Nasa bandang duluhan ako kaya hindi ko masyadong maaninag yung mukha ng professor. Ilang saglit pa, muli itong nagsalita habag sinusulat ang pangalan sa white board. "I'm Mr. Denver Isais. Nice to meet you all." M*therfvck! That man! Oh s**t! Ito ba 'yung surprise na sinasabi niya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD