Kabanata 2

2000 Words
Kabanata 2 Dare ALAS-TRES pa lang ng hapon ay umuwi na ang dalaga pagkatapos ng trabaho niya sa pinapasukang bar. Last day na ng pang-umagang pasok niya roon at saktong maaga silang pinauwi ng manager kaya heto siya ngayon, naghihintay na umuwi ang may karapatang magbigay ng dare sa kaniya.  Hinawi niya papunta sa likod ng tainga ang tumakas na buhok. "Matagal pa ba si Sari?" Bakas ang inip sa kaniyang boses.  Rinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Demona. "Napaka-inipin mo talaga, Meos." "Alas-tres pa naman ng hapon. May ilang oras pa bago mo maisagawa ang dare na ibibigay ni Sari," Heleria said. "Well, kung magagawa mo nga ang bagay na 'yon." Buntong-hininga na humalumbaba siya sa mesa. Kasalukuyan silang nasa kusina at hindi niya alam kung bakit maaga ang uwi ng tatlong kaibigan. Nagtataka pa siya kung bakit narito ang mga ito sa bahay sa halip na nasa trabaho pero hindi na siya nagtanong pa patungkol dito. Hindi rin naman siya interesado malaman.  At saka, may ideya siya na tungkol sa dare nito ang isa sa maraming dahilan kung bakit.  Napabuntong-hininga na naman siya. Gaano ba kahirap ang ipapagawa nila sa kaniya? Kailangan bang ibuwis niya ang buhay para magawa 'yon? Napailing siya sa isipan. Siguro naman simpleng bagay lang ang dare na ibibigay. Katulad ng pagkuha ng number ng taong gusto niya.  Oh, wait. Wala nga pala siyang nagugustuhan kaya wala siyang makukuhang numero. Silly me.  "Matagal pa 'yon si Sari. Sa pagkakaalam ko ay may pupuntahan pa siya," rinig niyang sabi ni Heleria. Ito lang ang tanging kaibigan niya na halos lahat ay alam ang tungkol kay Sari. Silang dalawa lang din naman ang nagkakasundo sa iba't ibang bagay.  Napapikit siya. "Naiinip na ako." "Hintay, aba! Baka pinag-iisipan pa niya kung bibigyan ka ba ng mahirap na gawain or hindi. But knowing her? She will give you a hard time."  Hindi niya pinansin si Hiraya na nagsalita. Gusto niya lang pumikit at iwaksi sa isipan ang pag-iisip ng posibleng ipapagawa sa kaniya ni Sari. Pero, peste! Hindi siya natatahimik hangga't hindi niya nalalaman. Kahit anong pagpikit ng mata niya ay hindi niya magawa dahil parang sirang plaka na paulit-ulit ang tanong niya sa sarili.  Ano kayang dare ang ipapagawa sa akin? Nag-angat siya ng ulo at napasabunot sa sariling buhok. "I can't wait..." she whispered under her breath. Napalingon siya sa taong nagtapik bigla ng kaniyang balikat. "Meos, you know that if we spin the bottle, the dare would be difficult. And trust Sari when she said that this will be the last gimmick that we'll encounter. At pinag-usapan na naman natin ang lahat before we decided to roll the bottle." Nainis siya bigla. "But I was drunk when I agreed to your mechanics!" "We all were," tiningnan niya ng masama si Heleria. "Look, Meos. Wala tayo rito sa iisang bahay sa wala lang na dahilan. We decided to live under one roof because we all want some fun and adventure, 'di ba?" Natigilan siya.  "And we all did some things that almost put our lives at risk. Ngayon ka pa ba aatras kung kailan halos naranasan mo na lahat ng kalokohan na maiisip ng isang indibiduwal? Saka, ito na nga ang huli na ipapahamak natin ang sarili." "Is that..." umiwas siya ng tingin. "Is the dare really that difficult for me to put myself in to danger?" "It depends upon the latest issue." Tumango siya. That time when they decided to plan such gimmick and Sari came up with the game named Spin the Bottle, she didn't give them a chance to choose between Truth or Dare because she all wanted the girls to pick a dare. Since si Meos ang unang nabiktima, sa kaniya naka-pokus ang apat. At mauulit lang ang pagpapa-ikot ng bote kung nagawa niya ang ipapagawa ng mga kaibigan. Success or not, the bottle will still whirl around. So, they all are not exempted to this game.  And the reason why she agreed to this sick game? It's because Meos was drunk, no rephrase that, they were all drunk and Sari having a high alcohol tolerance, deceived and tricked them. And when the mechanics that Sari made sunk in their minds, that's when the deciever decided to start the game. They don't have any choice but to sit and wait for the bottle to stop.  And Meos was the first victim. I was the first victim.  But, looks like her friends also want what Sari made. Siya lang yata ang hindi nagugustuhan ang kasalukuyang laro na pinangunahan ni Sari.  Especially now that she had a bad feeling about the game. Pakiramdam niya ay hindi lamang simpleng laro ang lalaruin nilang lima.  It feels like it's between life and death.  Tumayo siya. "I'll just go to my room," she glance at her wrist watch. "I'm tired," aniya na hindi na hinintay ang sasabihin nila.  Napailing tuloy si Heleria. "She's hesitating," she said and the girls agree to her. MEOS lay down on her soft mattress. Still thinking about the possible dare that Sari would give. Bakit pakiramdam niya ay may hindi mangyayaring maganda sa kaniya? She can still remember the statement of Sari earlier. Would the upcoming dare change her life? Or anyone. Naguguluhan na siya. Akala niya simpleng laro lang ang lalaruin nila but now that she think, alam niyang hindi mahilig sa salitang 'simple' ang mga kaibigan. They would probably prepare something. They would plan and control everything. After all, Sari loves to manipulate things. Napapikit siya. "Patience, Meos," she mumbled to herself and drifted to sleep.  GABI na nang magising si Meos mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nang bumaba siya ay nakita niya ang mga kaibigan na nakaupo sa sahig na naka-pormang bilog. Namataan niya rin si Sari na tahimik at seryoso ang ekspresiyon.  "Are you sure about the dare, Sari?" Rinig niyang tanong ni Heleria. She's sure as hell na ang dare na naman nito ang pinag-uusapan ng lahat. At tuwing naaalala niya iyon, kumakabog sa kaba ang puso niya.  "Yes," Sari answered. "I need her to do it but this time, I want her to successfully perform the dare." "What if something bad happens?" "Hiraya, it's just a dare. Wala namang mangyayari sa kaniya maliban na lang kung takot si Meos sa dilim..." Demona paused and look at Meos. Sinundan naman ng tatlo ang tingin nito. "At of course, sa patay," anito at umiwas ng tingin.  Mas lalong kumabog ang dibdib niya sa kaba ngunit pinilit niya na huwag ipahalata ang nararamdaman sa mga kaibigan. Ayaw niyang malaman ng mga ito na nagdadalawang-isip siya kung tatanggapin pa ba niya ang ipapagawa ng mga ito o hindi. Ayaw niyang magkaroon ng ideya ang mga kaibigan na naduduwag at kinakabahan siya dahil lang sa laro na lalaruin nilang lima.  I won't give them a satisfaction.  Ngumiti siya ng malaki at lumapit sa kanila. Tiningnan niya si Sari. "So, you will reveal the dare now?" tanong niya at umupo sa tabi ni Heleria. "Well, mukhang ako na lang naman ang hindi pa nakakaalam sa ipapagawa mo sa akin," she looked at them one by one. "Spill the dare." She heard Heleria sighed. "The dare is simple," she started. "All you have to do is to take a picture of..." nagkasalubong ang kilay niya nang tumigil si Heleria. Nang tingnan niya ito ay napabuntong-hininga siya.  Okay, si Sari ang magsasabi. No one has the right to spill the beans aside from Sari. After all, ito naman ang natapatan ng puwetan ng bote kaya, nasa kaniya ang karapatan na magsabi sa hamon na ibibigay. Napairap siya nang unang sumuko si Heleria sa titigan nila ni Sari.  "Just like what Heleria said, the dare is simple, Meos. You just have to take a phone with you, a flashlight and direction to the tomb of Mr. Darius Hale." Napalaki ang mata niya sa narinig. "At anong gagawin ko sa puntod ni Darius Hale?" Sigaw niya. Nababaliw na ba ang mga ito? Baka tuluyan ng nawala ang katinuan ng mga kaibigan niya at sa lahat ng ipapagawa ay ang may konektado pa sa patay!  "I told you, the dare is depend upon the latest issue." Heleria uttered on her side.  And I did not even realize it! The latest issue is the death of Mr. Darius Hale and she didn't even get what Heleria said earlier! Naiinis na hinawi niya ang buhok patalikod. "Nababaliw ka na ba, Sari? Of all the possible dare that you would think, konektado pa talaga sa patay? Are you out of your mind?"  Sa kabila ng pagr-reklamo niya ay hindi man lang nagbago ang ekspresiyon sa mukha ni Sari. It's still the same, serious. Hindi naman siya natinag sa tingin na ibinibigay nito sa kaniya at imbes na umiwas, nakipaglaban siya ng titigan.  I would not let you win this game, Sari.  Their staring game was cut off by Demona's nervous laugh. Ikinumpas nito ang kamay sa gitna at malaki ang ngiti na iginawad sa lahat.  "Chill, guys. Chillax, hindi pa nga nagsisimula ang laro ay nag-aaway na kayo." Hiraya nodded. "Yeah, let Sari finish her sentence, will you, Meos?"  Napailing siya at hindi na nagsalita pa. Kung anuman ang nasa isip at plano ni Sari at ng iba pa, hinding-hindi siya magpapatalo sa mga ito. Never. She will never let herself lose for the game that Sari started. Kung gusto nito na sakyan niya ang laro nito, she will gladly do it with a heartbeat. Kahit anong emosyon at kung gaano pa siya kinakabahan ngayon, hindi iyon magiging sapat na dahilan para umatras siya sa laban na alam niyang kasapi ang kaniyang sarili.  Una pa lang naman ay napag-usapan na nila ito. And she is not the kind of person who will break the words that she already said in front of them. She's a man of her words and she will never change that. Lalo na at kilala siya bilang isang may paninindigan pagdating sa kaniyang binibitawang salita.  "We agreed to the mechanics that the dare is depend upon the issue, the latest. And since the issue inside this village is about the death of this unknown person named Darius Hale, 'yon ang ipapagawa namin sa 'yo," Sari paused. "Since gusto nating malaman kung nabigyan ba ito ng desenteng libing, nais namin na makakita ng ebedensiya, Meos." "Hindi naman ako interesado sa bagay na 'yan," aniya at umirap. Ano ba ang mahihita niya kung desente o hindi ang pagkalibing nito? Wala naman. Kaya bakit pa siya mag-aaksaya ng oras para roon. "Pero, sige." Pagpayag niya.  Napangisi naman si Heleria. "Sure kang gagawin mo?" "Of course." "As I was saying, you have to take a picture of Mr. Darius Hale tomb. Nasa likod ng kaniyang mansion naka-libing ang labi niya kaya, hindi ka na mahihirapan pa na hanapin ang puntod niya kasi nag-iisa lang naman siyang inilibing doon." "And after taking a picture, what's next?" "Done. Find his tomb, take a picture, and then mission accomplished." "That's all?" Nakataas ang kilay na tanong niya.  Sari nodded. "Yeah, that's all." "Kailan ko siya gagawin?" "By twelve o' clock in the morning," natigilan siya sa isinagot ni Heleria. Kunot ang noo na tiningnan niya si Sari.  "Twelve? Pwede naman umaga kong gawin ang dare, ah?" Nagtataka niyang tanong. Ano bang plano ng mga ito at naisipan pa na hatinggabi niya iyon gawin? Pwede naman sa umaga. "Where's the fun in that?" Napailing siya sa sinabi ni Demona. "Oo nga naman, Meos. Hindi naman babangon ang patay kung alas-dose mo siya gagawin. Your dare is simple nga lang, e." Hindi niya pinansin ang lintanya ni Hiraya. Napatingin siya sa orasan na nasa likod ni Sari at napa-seryoso ang ekspresiyon nang makita ang oras.  Eleven-thirty PM.  Sari notice her reaction upon seeing the time.  "You only have thirty minutes left, Meos. Go to your room and change your clothes. Choose what makes you comfortable. And the phone, don't forget to bring it with you," tumayo ito at hinarap sila. "Hindi natin siya sasamahan." "What?" she exclaimed.  "Ah, you expect us to be with you while doing your mission?" Sari laugh lightly. "No, Meos. You do it yourself so, you should go there alone." Huli nitong sambit at lumisan. Tahimik na sumunod si Hiraya at Demona. Tanging ang natira ay siya at si Heleria.  Tumikhim ang kaibigan at tumayo. "Don't hate Sari for this, Meos. She's doing it for a purpose," sambit nito sa kaniya at umalis.  Now that she's alone, one question fill her mind.  For what purpose?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD