Kabanata 21 Dane LUMALALIM NA ang gabi ngunit wala pa rin sa tamang huwisyo si Meos na nakahalumbaba sa bintana, kaharap ang bakuran ng mansiyon kung saan nasaksihan niya ang pagbalik ni Darius. Gusto niyang bumaba pero ayaw niyang masigawan ulit ng binata. Hinayaan niya ang sariling sundin ang utos nito dahil iyon naman ang dapat, para sa kaligtasan niya ay dapat siyang sumunod. Hindi niya sinasadyang makalimutan na may dapat pala siyang sundin na batas habang nasa teritoryo siya nito. Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok. Buntong-hininga na nagtungo siya roon at pinagbuksan. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Esmee!" Esmee smiled a bit. "Hey," bati nito. Ngumiti siya at yumuko upang magpantay silang dalawa. Hinawakan niya ang ginto nitong buhok at hinaplos pababa at pataas.

