Sa araw na iyon ay mabilis na natapos ang klase namin pero marami ring ibinigay na assignments kaya wala paring ligtas.
"Adah, sa taas tayo."
Agad kong tinaasan ng kilay ang kaibigang si Kierra dahil sa sinabi niya.
"At bakit? Library ako, may kukuhanin lamang akong libro." Sagot ko dahil sa itaas na building ay linya na naman ng mga tiga Computer Science at mga tiga Educ. Ayaw kong dumaan doon. Mga matatalino, intimidating at mukhang mga nakakatakot. Lalo na mga tiga Educ, halatang stress sa buhay at bawal mong kausapin kasi baka manigaw na lamang bigla.
Pero ano nga ba namang lusot ko eh nasa unahan nun ang library?
"Eh kaya nga, daan din naman tayo doon. Tiyaka magsusulat ka ba ngayon?" Tanong niya habang nagliligpit ng gamit.
"Hm, tahimik kasi sa library para naman matahimik sandali ang araw ko, wala pa namang exact lunch break. Pero ekis muna sa sulat." Sagot ko at tuluyan ng tumayo kasabay ni Kierra.
"Hoy ma'am, alam mo ba ang daming naghahanap ng chapters ng kwento mo sa website. Bakit hindi ka pa nag a update. Puro ka kasi poetry these days." Intrigang muli ni Kierra na ang tinutukoy ay ang madalang ko na lamang na pagbisita sa account ko sa isang writing site na nakakuha ng atensiyon ko noon.
Writing is my life. My comfort zone and everything. Kaya noong makita ko ang site na iyon ay mabilis akong nahumaling. Madami akong naisusulat lalo na kapag malungkot o kaya'y masaya ako na kinahumalingan naman ng ibang mga mambabasa ang gawa ko.
Pero ngayon, masiyado akong walang lakas para magsulat muna. Ayaw kong sanayin ang sarili na nagsusulat kapag malungkot dahil sa mga nagdaang mga araw ay para kong naibubuhos doon ang sakit at problema kung kaya't nagiging pangit ang istorya gaya ng buhay ko.
"Ayaw ko na muna, Kierra. Look at my works, puro sad scene at masasakit na epekto sa characters." Paliwanag ko.
"C'mon Adah, get a life." Kierra said while rolling her eyes while we are walking in the hallway so that we can already proceed in the next building.
"What do you mean by that? Get a life? The hell you think. I have a life and it sucks me everyday." I answered histerically.
"That's the point. Life is sucking you, why find someone who will suck you literally instead." Paliwanag ni Kierra bago humagalpak ng tawa.
"What?" Gulantang kong tanong sa pagiging bulgar niya. I know she is always like this but for f***s sake nasa public kami.
"What I mean is get a life! Love life. Para naman lumigaya ka at hindi ka laging napapa life's sucks diyan! Humanap ka ng literal na mag sa-suck sa'yo!" Natatawa niya pading paliwanag kaya Hindi ko na napigilang hampasin siya sa balikat.
"At Isa pa it will give you the courage to write happily again. Para naman magka glow ka sa pagsusulat. My Ghad!." Dagdag niya pa kaya mas lalo ko siyang laglag pangang tinitigan.
"Kierra, alam mong never akong susubok muna diyan lalo pa at stress ako sa bahay." Umiirap kong sagot sa kaniya na tinawanan niya lamang.
"Oo, alam ko. Hindi ka na mabiro. Gurl, I already have 22 exes simula ng ipanganak ako sa mundo at ikaw, ni isa wala pa. Pakiramdam ko tuloy sinasadya mong mag paka stress para may maidahilan kang bawal kang lumandi."
"Baliw," iiling-iling ko siyang tinignan dahil sa mga sinabi niya.
I don't need anyone para makasulat nang maayos. Kilala ko ang sarili at sumusulat ako ng masaya o kaya'y malungkot ako. Itinigil ko lang talaga muna dahil sunod-sunod na at wala akong mapanghugutan nang magandang scenes.
"Eh ikaw, bakit ka nag aaya dito sa Computer Science building? May kalaguyo ka na naman ba dito?" Nagdududa kong tanong sa kaniya habang nanliliit ang mga mata.
"Wow ah, parang nobyo kung maka tanong. Kalaguyo ka riyan." Depensa niya ngunit ngumisi lang din sa huli dahilan para makompirma kong mayroon nga.
"Ha! Ikaw Reykierra Sandoval, pag ikaw umiyak-iyak at mag aaya ng inuman sa akin isang araw, naku! Ewan ko nalang." Nagbabanta ang boses ko pero tinawanan lamang ako ng gaga.
"Ha! At ikaw naman Addayah Amelia Buenaventura! Find someone who will suck you ng makatotohanan." Malakas ang boses niyang sambit dahilan para hampasin ko siyang muli pero alerto siyang umilag.
Sinamaan ko siya ng tingin nang mabigo sa paghabol sa kaniya ngunit tumigil din siya at bumalik sa akin upang pumulupot sa mga braso ko.
"Halika na nga, baka hindi mo na ako tulungan sa research." Aniya at tumawa ng nakakaloko.
Nakarating kami sa Computer Science building. Marami pang tambay sa labas ng kani-kanilang mga classroom, may mga nagtatawanan at naghaharutan. Sana lang ay tapos na ang mga 'yan sa mga thesis at research nila.
"Kierra library na ako ha, tawag ka if broken ka na ah," Bilin ko sa kaniya bago umalis habang natatawa sa nakasimangot niyang mukha.
Itinuon ko na ang atensiyon sa nilalakaran ng bigla ay mabunggo ako sa kung Sino.
"Pasensya na," Paghingi ko ng paumanhin sa nakabunggo bago dahan-dahang nag angat ng tingin dahil nanatili itong nakaharang sa dinadaanan ko.
I am too stunned to speak. He is familiar to me and I immediately raised my brows when I realized who he is.
He is from computer science, right? Siya rin iyong lalaki kahapon. Well, what a coincidence.
"Sorry," muli kong sambit at lumihis ng daan upang maiwasan siya dahil mukhang wala siyang balak na tumabi.
"Liit,"
I almost stop from walking when I heard what he said. Gusto ko siyang balikan at suntukin bigla ng matanggal iyang salamin ng eyeglasses niya, yabang.
Umirap ako sa kawalan dahil sa pagkairita ngunit mas minabuti ko na lamang na kalmahin ang sarili at kalimutan ang pangyayari.
Nang makarating ng library ay tahimik akong naghanap ng magandang libro para sa major subjects namin.
Dapat kong maging advance sa mga lessons namin dahil masiyado akong busy para mahuli sa mga topics namin. Ayaw kong bumaba ang grado ko dahil baka matanggalan ako ng scholarship.
Tahimik sa library at nakaka relax kahit papaano. Hindi rin masiyadong maiingay ang mga tumatambay dito dahil pag-aaral talaga ang sadya. Dati may mga magko-couple na madalas tumambay dito ngunit mukhang napapansin iyon ng librarian kaya napapaalis sila.
"Tito bakit naman kasi kailangan ko pang magbantay rito? Estudyante ako, hindi librarian."
Sinubukan kong sumilip sa mga awang ng book shelf upang marinig kung sino ang kausap ni Mr. Manalo.
Nang mabigo ay ipinagpatuloy ko na lamang ang paghahanap ng magagandang libro.
"Naku Hienter, ijo. Huwag mo akong ma Tito-tito. Inuutusan kita dahil magiging busy ako this coming weeks. At isa pa, free time mo lamang ang hinihingi ko." Ani Mr. Manalo.
"Magreklamo ka pa at maisusumbong na kita sa magulang mo." Dagdag pa ni Mr. Manalo.
Ngayon ko lamang nalaman na mayroon pala siyang pamangkin dito sa School ah.
Ngumuso ako at natawa.
If someone will ask me to watch for a library, I won't hesitate to say yes.
Muli akong naglakad at lumiko sa gawing mas makikita ko na ang direksiyon ng lamesa ni Mr. Manalo.
Siguro ay matigas ang ulo ng kaniyang pamangkin.
Nakatalikod na ako ngayon sa lamesa ni Mr. Manalo ngunit mas malapit na kung kaya't ano mang oras ay matatanaw niya na ako.
Tiyak magtatawag na naman iyon at makikipag kwentuhan. Sana ay hindi dahil saglit lang ako rito para maghanap ng libro.
Napangiti ako ng makahanap ng isang magandang libro base sa table of contents na nabasa.
"Maganda iyan Adah. Nabasa ko na iyan."
Agad akong napailing-iling ng marinig ang boses ng matanda. Ngumisi ako at dahan-dahang lumingon sa gawi niya.
Nanliit ang mga mata ko ng tumama ang aking paningin sa isang matangkad na lalaking nakatayo sa malapit sa lamesa ni Mr. Manalo.
The guy is wearing a glasses and staring at me intimidatingly.
Uh-uh!
"I think I will be staying in your library more often, Tito." The guy said with a smirk on his face now.
He is staring at me so I tried to raised my brows.
"Wala ka namang pagpipilian Hienter." Ani Mr. Manalo at muling humarap sa akin.
"Halika Adah, may karugtong ang librong iyan. Accruals concept, ano?" Tanong ng matanda sa akin.
"Ah opo, naghahanap ako para sa accruls concept. May karugtong po ba talaga ito? Mayroon kayo?" Tanong ko bago sulyapan ang lalaking si Hienter na nanatiling nakatingin sa akin.
Is he annoyed about my presence? Dapat nga ay magpasalamat siya at nasagip ko siya rito. Malamang ay napapagalitan na siya ni Mr. Manalo.
"Mayroon, nasa library ko sa bahay ata. Pero may mas inirerekomenda ako sa iyo. Accounting padin, Economic entity concept siya."
Napangiti ako dahil sa sinabi ng matanda. Nakabasa na ako ng madaming libro sa concept na iyon pero dahil inirerekomenda niya ay susubukan ko.
"Sige po, hehe. Ito muna sa ngayon ang babasahin ko. Gusto kong mag advance sa lessons ng course ko dahil busy, I really need this one." Paliwanag ko kaya tumango-tango naman ang matanda.
"That is really good, ija. By the way I have something to do in the Principal's office. Mauuna na ako sa inyo. Hienter, stay here." Aniya at tuluyan nang tumayo.
Tinanguan niya pa ako bago tuluyang umalis. Ngumiti ako at aalis na rin sana.
"What's your name?"
Itinabingi ko ang ulo ko ng bigla ay tanungin ako ng pamangkin ni Mr. Manalo.
"Addayah." Sagot ko at tumalikod ng muli.
"I'm Hienter. Madalas ka ba rito?" Tanong niyang muli habang sinusundan ako sa paghahanap ng libro.
"Bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kaniya pabalik at sinulyapan siya sandali upang tignan ang mukha niyang nagayo'y nakangusong nakatitig sa mga libro sa harapan ko.
"Just having a conversation with you." He answered hesitantly so I nodded.
"Are you Mr. Manalo's nephew?"
Tatlong libro na ang nakuha ko kaya tama na siguro ito. Mabilis akong naglakad papuntang log book upang ilista ang mga hihiramin ko ngunit nakasunod parin sa akin ni Hienter.
"Yeah, Kinda." He answered.
His voice is kind of husky. He is also tall and I can also say that he is attractive but not really my type. I don't even know if I have types.
"What do you mean by 'kinda'." I ask while checking the books title again.
"He is my step father's brother." He answered.
Nakapatong ang kabilang siko niya sa gilid ng teacher stand kung saan nakalagay ang log book na siyang nililistahan ko.
"Okay," I nodded before finally turning my back from him.
"Bye." I added as I open the library's door.
"Wait, uh! Can't you remember me, huh?" He ask while trying to run after me.
Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
"I am that guy who gave your handkerchief back. Sa check point." Aniya kaya tumango-tango ako.
"Ah that idiot, yeah of course I remember." I answered casually.
Bakit ba siya sunod ng sunod. Hindi ba ay pinapabantayan sa kaniya ang library?
"What? Idiot?" He ask confusely.
"Never mind. You know what, you look like intimidating but I didn't think that you are so nosy. Go back to the library at baka mapagalitan ka ng Tito mo." Naiiritang sambit ko sa pagiging makulit niya at tuluyan ng naglakad sa dinaanan ko kanina gaking Computer Science.
"What's your course?"
Napapikit naman ako sa gulat ng bigla ay pasigaw siyang magtanong dahil medyo malayo na ako sa gawi niya.
"Business Ad, accounting." Sigaw ko at tuluyan nang binilisan ang lakad.
Tss,, idiot.
"Sino 'yon? Taray,"
Mabilis kong tinaasan ng kilay si Kierra ng salubungin niya ako sa hallway. Dinig na dinig pala hanggang sa kanila ang sigaw ni Hienter. Bwesit na iyon.
"Chismosa ka, ewan ko doon. Makulit lang, hayaan mo na." Sagot ko at inilipat ang tingin sa matangkad na lalaking katabi niya.
"At Sino naman ang isang 'to?" Turo ko sa katabi niyang ngayo'y nahihiyang nakatingin sa akin.
"Ano ka ba? Huwag mo ngang tarayan iyan. Kaibigan lang, si Ryan. Ryan si Addah kaibigan ko." Aniya at binalingan ang lalaki. "At tiyaka mauuna na kami ha, kakain pa kami." Paalam niya rito at matamis na ngumiti.
Hindi na namin parehong hinintay ang tugon ng kalaguyo niyang iyon dahil hinila niya na ako pababa ng building.
"Hay naku, huwag ka ngang panira ng lovelife riyan. Tiga computer science iyon." Reklamo ni Kierra habang kumakain kami.
"Eh Sino naman iyong kanina. Tinatanong ka pa nang pasigaw. Hindi ko nakita ang mukha. Pogi ba? Kung hindi abay ekis ka riyan. First time mo mag ka boyfriend tapos sa panget pa."
Napairap nalang ako sa kabaliwan niya. Ni hindi ko nga kilala iyon, pangalan lang ang alam ko tapos boyfriend agad.
"Hibang ka, nagtanong lang iyong tao boyfriend agad. Ni hindi ko na nga kayang ehandle ang time ko dahil kulang na kulang at mag dadagdag pa ako ng problema." Sagot ko at umirap bago nagpatuloy sa pagkain.
I am not closing some doors for my self to love. Siguro kapag nagkagusto ako sa isang tao hindi ko naman din iyon mapipigilan. I have some crushes before at lagi kong pinipili ang huwag munang pumasok sa isang relasiyon.
I just don't want it because I know it will just make the relationship not work.
Gusto ko kapag nag mahal ako ay nabibigyan ko rin ng oras ang taong iyon, dahil hindi naman magiging kami kung hindi siya espesyal sa akin.
Kapag nakatapos na ako siguro maari ko na rin bigyan ng panahon ang pagmamahal. Hindi kami mayaman at may kapatid pa akong umaasa sa akin, si Papa na gustong-gusto ko na na maipagamot.
I want to fix my family first.
"But anyways, girl, proud naman ako at single ka parin hanggang ngayon. Ayaw ko namang mahirapan ka, kung anong gusto mo ay doon na rin ako. At kung saka-sakaling magmamahal ka naman ay sana huwag ka ring sasaktan, hindi mo deserve iyon." Paliwanag ni Kierra kaya natawa naman ako sa kaniya dahil may mga pagkakataong nagiging ganito talaga siya.
"Best friend yarn." Natatawa kong pang-iinis sa kaniya.
"Hehe, di joke lang. Salamat at naiintindihan mo ako.
"Aba'y malamang."
Sometimes you really need someone to be your supporter about everything and Kierra will always be one of them.
She is also too precious for me.
We've been friends since my Senior High School days.
Kinabukasan ay maaga parin akong nagising kahit pa Sabado at walang pasok. Pahinga sana namin ngunit naalala kong may lakad kami ni Ayah.
"Eh saan ba kasi ang punta ninyo?"
Dinig ko kaagad ang boses ni Mama sa sala.
"Ma, ngayon lang 'to. Project lang po namin. Kailangan kong isama si Ate." Dinig kong paliwanag ni Ayah kay Mama.
"Aba wala akong pakealam kung ano pa 'yan. Kayo magbantay riyan sa Tatay niyo, ngayon na nga lang kayo dito sa bahay eh." Ani Mama kaya lumapit na ako sa kanila.
"Hindi naman kami magtatagal doon, Ma. At isa pa hindi pwedeng bumaba ang grado niyan. Kawawa kung hindi makakuha ng scholarship sa kolehiyo. Para namang may marami tayong pera." Singit ko habang kinukuha ang mga damit sa luma naming sofa.
"Aba ay nagpaparinig ka ata Addah. Wala talaga tayong pera dahil walang silbi iyang tatay niyo!" Malakas ang boses na sambit ni Mama.
"Kasi may sakit ang Papa, Ma." Sambit ko pero natahimik na siya at inis na pumasok ng kwarto nila Papa.
"Bwesit na buhay!" Pahabol niya pa at padabog na nagsara ng pinto.
Gusto kong isumbat sa kaniya lahat ng pagkukulang niya pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. Mahal na mahal ko parin si Mama.
Noong naaksidente si Papa at naluge ang bakeshop imbes na ipunin niya lahat ng insurance na natanggap dahil sa nangyari kay Papa ay ginamit niya pa sa paglalasing kasama ng mga kaibigan niya. Naging mas magastos siya dahil paraan niya raw iyon upang mabawasan ang stress niya.
Pero alam kong mali siya dahil hindi iyon ang sagot sa lahat.
I've been also so anxious that time. Muntik na din akong tumigil sa pag-aaral.
Sa huli ay nagdesisyon na kami ni Ayah na umalis at umuwi na lamang agad pagkatapos para hindi matagalan.
Maybe one day, life would be better and world will going to be lighter to us.