Chapter 1 Hunt

1377 Words
This story is dedicated to iRiline. Special thanks for this beautiful book cover of MAGNUS ACADEMY. Kinsley Pov " Kinsley, apo gising na. " nagising ako dahil sa boses na tumawag sa'kin. "Grand Ma?" sabay bangon ko at umupo sa higaan. Ngapala hindi pa ako nakakapag pakilala no? I'm Kinsley Whistler, laking lola ako. I've never seen my parents ever since I was born. Wala akong balita sa mga magulang ko, marahil matagal na silang patay dahil sa digmaan. She's not my biological grandmother but she raised me like her own. She used to tell me a story of how the dark abyss defeated Millanians at kung paano niya ako natagpuan sa gubat na ito. Until now our world is under the power of dark abyss. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay sa ganito kahabang panahon. Aware din ako na si Grandma ay nag tatrabaho sa napakalaking castiliyo na iyon na kung tawagin nila ay MAGNUS ACADEMY. Kahit kailan ay hindi rin naisipan ni grandma na isama ako d'on bagkos ay mahigpit niyang ipinagbabawal saakin sa huwag na huwag akong aapak sa lugar na'yon. Dahil kahit ang lugar na'yon ay pinamumunuan narin ng mga dark abyss. We lived in this woods for almost 20 years now. So we are hiding from dark abyss for my whole life. Lahat ng pasikot-sikot ng gubat na ito ay alam ko. I don't know how my grandma raised me by her own. Noong bata ako ay iniiwanan niya lang ako mag isa at hindi niya ako pinapalabas ng kubo pag umaalis siya pero dahil may katigasan ang ulo ko ay sinisira ko ang kawayang sahig namin at doon ako dumadaan pababa ng bahay. Diba free nako ulit hahahahahha. Gumagala ako ng kagubatan at bago pa man lumubog ang araw ay nakauwi na'ko ulit. May napapansin akong shadow na laging sumusunod sa'kin or minsan pansin ko pinag mamasdan ako. Kahit hanggang ngayon ay aware ako na may sumusunod sa'kin ngunit hindi ko ito sinasabi kay grandma. "Apo? Palagi ka nalang tulala pag bagong gising." naghuhugas si grandma ng plato. "Hanggang kailan tayo mag tatago dito?" bigla kong natanong. "Hanggat maari kitang itago sa mga dark abyss itatago kita. Dahil isa kang inosenteng bata at hindi ka dapat madamay sa kung ano man meron ang mundo ngayon." sagot ni grandma. "Oh! Heto mag gatas ka muna pag ka tapos ay maligo kana at mag eensayo tayo." dagdag ni grandma. "Opo." sabay higop ko ng maiinit na gatas. "Marami kapang dapat malaman." --------------- Nag aantay ako sa labas ng kubo at nililiha ko ang mga sandata ko. Mahilig ako gumawa ng matatalim na bagay. Hindi ko ito ginagamit sa pag sisibak ng mga hayop. Pansarili ko lamang ito bilang depensa. " Gasp. " Isang napakabilis na pana ang dumaan sa gilid ng tenga ko at tumusok sa puno. Pag lingon ko, nakita ko si grandma na nakangisi. Napangisi din ako at agad pinulot ang sandata ko saka sumugod sa pwesto niya. Masaya makipag laban kay grandma dahil isa talaga siyang mahusay na guro. "Huli ka ngayon." sabay tutok ko ng espada sa leeg niya mula sa kaniyang pag ka bagsak sa lupa. Inabot ko ang kamay nito at tinulungan makatayo. "Uuurrrghhh!!!" Anlakas ng pag kakatalsik ko dahil bigla niya akong pinasabugan ng light attack. "Rule number 1 never trust anyone." sabay pagpag ni grandma sa damit niya. "Grandma andaya mo naman e." pout. "Mapanlinlang ang kalaban apo." "Eh, grandma hindi naman kayo yung dark abyss e." sabay tayo ko. Sa tinagal-tagal naming nag eensayo ni grandma ay hindi ako gumagamit ng light magic. Hindi ko pa lubos na kabisado ito ngunit maalam naman ako paano gamitin. Wind whistling. Napalingon ako dahil ganitong-ganitong ang naririnig ko pag nanjan yung shadow. "Bakit apo?" tanong ni grandma at nilapitan ako. "Grandma, ah, eh wala po. Guni-guni ko lang siguro." sabay yugyog ng ulo ko. "Apo, isa siyang kaibigan." sabay upo namin ni grandma sa kahoy. "Bago kita matagpuan ay madalas akong mangaso sa lugar na ito. Isang gabi ay napanaginipan ko na may isang sanggol sa lugar na ito at may nagsabing itago at alagaan kita." habang nakatangin siya sa malayo at nagkukwento sa'kin. "Sino naman po 'yon?" "Isa siyang taga pangalaga at ubod ng bait." "Napag desisyonan ko na dito nalang manirahan dahil kahit sandali ay ligtas dito. Isa ka lamang inosenteng paslit at ayokong mamulat ka sa mundo gaya ng ginagalawan ko ngayon." "Balang araw grandma ipinapangako ko na darating ang araw na lahat ay magiging pantay-pantay." "Napaka swerte ko at nagkaroon ako ng apo na gaya mo." hinalikan ako ni grandma sa noo. "Dito kalang ha? babalik nako sa Magnus. Mag iingat ka dito." Ngumiti lang ako pinagmasdan si grandma na umalis hanggang sa mawala siya na paningin ko. Kumilos n'ako at nag hanap ng gulay. Hindi ako kumakain ng mga karne dahil masyado kong mahal ang mga hayop, sila ang bukod tanging naging kaibigan ko simula n'ong bata p'ako. Si grandma ay naging vegetarian nadin. --------------- Pinag mamasdan ko ang kalangitan. Napakagandang mga bituin ay kumikislap, kumpol-kumpol at kitang-kita ang aurora sa kalangitan. Pumasok ako sa loob dahil maya-maya lang ay dadating na si grandma at kakain na kami. Naghanda ako ng plato at makakain at sinara ang bintana ng kubo. Mula sa di kalayuan ay mga sulo na papalapit sa aming tahanan. Kinabahan ako dahil wala namang nakaalam ng lugar namin. Kinakabahan ako, agad kong hinila ang mga armas ko sa ilalim ng higaan. " Kung sino man ang tao sa loob ng kubo ay inuutusan na lumabas at sumuko." utos ng lalaking naka war suit. Sila ang mga Dark Abyss, sinisilip ko lang sila mula sa loob ng kubo. Dahil ang palaging bilin ni grandma ay wag lalabas, sa pagkakataong ito ay makikinig muna ako kay grandma na huwag lumabas. " Magpapakita ka kapalit ang buhay ng iyong mahal sa buhay." inilabas nila si grandma na hinang-hina at unti-unti nitong itinaas ang kaniyang ulo at tumingin sa direksyon kung saan ako nakasilip sabay iling. "Uurrrgghh!!" tanging nabitiwang salita ni grandma. Sumisikip dibdib ko dahil nakikita ko si grandama na nahihirapan tumutulo ang luha ko habang pinaparusahan si grandma. Nakatingin parin si grandma sa pwesto ko at umiiling. "Huling pagkakataon mo na at hindi mo na muli pang makikita ang matandang ito." Ikinabit ko ang mga armas ko sa iba't ibang parte ng katawa ko. Muli akong sumilip sa butas at papalapit sa pwesto ko ang isa sakanila. Pinitik ko ang aking daliri at namatay ang lampara sa kubo. " Hanapin niyo siya. " nangingibabaw na boses ng isa sakanila. Naka sabit ako sa itaas ng kisame ng pumasok ang isa sa sakanila sa loob ng kubo. Hinawakan ko ang ulo nito at hinila pataas. Hindi ko siya pinatay, pinatulog ko lang. Bumaba ako ng kisame at d'on dumaan sa ilalim ng higaan sa butas. Nagtago ako sa likod ng malaking puno at nakatalikod sila saking lahat. Isa lang ang nasa isip ko ngayon yon ay ang mailigtas si grandma. Inihanda ko ang aking palaso at titirahin ang nag uutos sakanila. Alam ko hindi ko pa kayang pumatay. Hindi ko kaya, hindi ko kaya nag aalinlangan ang mga kamay ko kung bibitawan ko ba o hindi. Biglang umilaw ang kamay ni grandma at nagtalsikan ang mga humahawak sakaniya. Wala na akong pagpipilian pa kundi bitawa na itong palasong hawak ko. I sinentro ko ito sa lalaking nag uutos at binitawan ang pana ko. "Gasp." napahinga ako ng malalim at biglang tumulo ang mga luha ko literal na tumigil ang pag hinga ko at ang mundo ko. Na ang palasong binitawan ko ay tumama sa dibdib ni grandma. Mabilis na nakakilos ang kanilang taga utos at parang hanging ginawa niyang pandipensa si grandma. Nag lahong parang ilaw si grandma sa isang iglap. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Tumingala ang lalaki sa taas ng puno kung saan ako. Nag katitigan kaming dalawa at natauhan ako ng ngumiti ito s'akin. Agad ako tumalon pababa ng puno at tumakbo hanggang sa san ako abutin ng mga paa ko. Nadadapa ako ngunit kelangan ko bumangon. Umiiyak ako habang tumatakbo hindi ko mapigilan ang mga luhang tumutlo sa aking mga mata. Lumilingon lingon ako kung nasundundan ba nila ako, mabilis sila tumakbo, sa kaliwa at kanan ko ay humahabol. Natisod ako sa nakaharang na kahoy at gumulong ako pababa. A/N: YEEEYYYY!!!! DONE CHAPTER 1 samahan natin si Kinsley na sa susunod na kabanata. I hatid natin siya sa magnus hahahahahaha. This story is fantasy, Adventure and historic fiction. Vote, Comment, Share and follow. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD