Isang buwan ang lumipas, binili na nga ni Clinton ang bahay na pagmamay-ari ni manang Elsa at ipinangalan niya ito kay Flora. Ang dating bahay naman ni Flora ay ibenta na rin niya. Kahit si Clinton ay nagustuhan na lugar nina manang Elsa. Tahimik. Sariwa ang hangin. Walang ibang makikita kundi mga luntiang puno. Kay sarap maglakad-lakad sa malawak na parang doon. "Gusto ko na ring ibenta ang bahay ko, honey..." wika ni Clinton habang nagbabalat ng mangga. Kasalukuyan silang nasa parang, sa ilalim ng malaking punong mangga. Nagsapin sila doon at si Flora ay abala sa pagkain ng manggang may bagoong. "Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin. Bukas pala, balik na ako sa pag-create ng video promotion ko para may libangan ako. Ikaw naman, parang ang maganda mong gawin dito ay bumili ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


