"Tama ba ang ginagawa ko? Medyo kinakabahan ako. Ngayon na lang kasi ako ulit nakapagmaneho," wika ni Flora habang nagmamaneho. Mabagal lang ang takbo ng kaniyang sasakyan dahil kinakabahan siya. Hindi na siya sanay magmaneho at takot siyang makabangga. Natatawa naman si Clinton na nakatingin sa kaniya. "Bakit ka tumatawa? Para kang timang diyan, manong. Masaya ka ba na kabado bente ako dito habang nagmamaneho?" nakaratay na sabi ni Flora. Muling tumawa si Clinton. "Huwag kang kabahan dahil tama naman ang ginagawa mo. Masyado ka ngang maingat magmaneho kaya nga malabo na makabangga ka. At isa pa, kung kakabahan ka masyado doon pa maaaring may mangyaring masama sa atin. Marunong kang magmaneho ng sasakyan, Flora. Natatakot ka lang talaga dahil ngayon ka na lang nakapag-drive, tama?" "Ye

