Matutulog na lang si Clinton ngunit nakangiti pa rin siya. Paano ba naman, naiisip niya ang banat sa kaniya ni Flora. Iniisip tuloy niya na baka may gusto na sa kaniya si Flora at hindi lang masabi. Bumangon siya sa kaniyang higaan at saka nagtungo sa kusina. Humanap siya ng makakain dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. Sa sobrang kilig na kaniyang nararamdaman kanina, nakalimutan na niyang maghapunan. Nagprito na lamang siya ng itlog at hotdog dahil tinamad na siyang magluto. At habang kumain, napapangiti pa rin siya na akala mo, ang lakas ng tama. 'Tsk! Ano ba itong nangyayari sa akin? Nababaliw na yata ako! Parang bumalik yata ako sa pagkabinata kung kiligin! Kainis itong si Flora! Dapat niyang panindigan ang mga banat niya sa akin!' Matapos kumain, naisipan niyang lumabas muna ng

