"Aalis na muna ako, baby. Magiging busy ako sa mga negosyo ko for now. Pero ilang buwan naman ito. Sa susunod, back to normal na," wika ni Clinton. Hapon na kasi kaya pupuntahan na niya si Rosa. Hanggang alas nuebe siya ng gabi doon at babalik naman siya kay Flora. Iyon ang napagkasunduan nilang oras. "Sige lang, baby damulag. Ingat ka sa pagmamaneho. Dahan-dahan lang at huwag kang kaskasero!" wika ni Flora bago siya hinalikan sa labi. Tipid siyang ngumiti. Ngayon pa lang, nakokonsensya na siya ng sobra. Ngunit sa isip niya, mabilis lang naman ang tatlong buwan. Matatapos na rin ang paghihirap niya sa piling ni Rosa. Mabagal ang ginawa niyang pagmamaneho patungo sa bahay ni Rosa. Naabutan niya itong nakahiga sa sofa doon. Nang makita siya nito, nagliwanag ang mukha ni Rosa. "Mabuti n

