"I'm sorry, manong. Napasobra yata ang iyak ko kaya nabasa ang damit mo. Wala eh, mabigat kasi talaga ang dibdib ko. Naninikip. Mahal ko ang asawa ko. Kaya hindi madaling basta na lang itapon at kalimutan siya," malungkot na sambit ni Flora matapos uminom ng tubig. "Naintindihan ko naman ang nararamdaman mo at valid naman yan dahil hindi naman talaga basta madali kalimutan na lang ang lahat lalo na't matagal din kayong nagsama. At kagaya nga sinabi mo, mahal mo siya kaya hindi mo madaling makalimutan ang taong iyon. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi porket mahal na mahal mo siya ay dapat ka na lang umiyak diyan at umasa na magkakabalikan pa kayo. Sinabi mong wala ka ng balak na balikan siya 'di ba? Dapat panindigan mo iyon," seryosong wika ni Clinton habang nakatingin kay Flora.

