Naiwang tulala si Flora matapos siyang halikan ni Clinton. Basta na lang kasi siya iniwan ng binata matapos siya nitong halikan. Hindi nga niya namalayan na mag-isa na lang siya sa kaniyang bahay. Iniisip niya kung bakit nagiging lapastangan na sa kaniya ang binata. Hindi naman ito ganoon sa kaniya. At isa pa, iniisip niya rin kung bakit hindi niya nagagawang magpumiglas o magalit ng husto. 'Nababaliw na ba ako? Bakit hinahayaan ko na lang ang lalaking iyon na lapastanganin ako? Bakit hindi ko siya magagawang pigilan? Ganito ba ang nagagawa kapag tigang? Nahihirapang magpigil ng init?' Mabilis na umakyat ng kaniyang kuwarto si Flora at saka nagtungo sa banyo. Naglinis siya ng kaniyang katawan. At habang sinasabon niya ang sarili, naalala niyang bigla kung paano kainin ni Clinton ang ka

