Madaling inakwat ni Paulo si Aurora na may kunting dugo sa ulo. Nakita naman sila ng mga tauhan sa Hacienda kaya mabilis rin silang tinulongan ng mga ito. Si Ricardo ay walang kaalam-alam dahil nasa malayo ito nagsurvey. Ang kabayong dala naman nila na nagwawala ay talagang tumalon ito sa bangin. "Sir Paulo, anong nangyari bakit bigla nalang nagwawala ang kabayong sinakyan niyo? kung hindi kayo tumalon ay tiyak na nahulog na rin kayo ng asawa niyo sa balon." Sabi sa isa sa mga tauhan ng Hacienda. "Hindi ko alam, bigla nalang siyang nagwawala kaya wala kaming choice kundi ang tumalon nalang, bilisan natin, we need to take my wife to the hospital immediately." Wika ni Paulo sa dalawang tauhan ng Hacienda na nakakita sa kanila. Nagmamadali ngang hinatid sina Paulo ng dalawang tauhan sa

