"A-anong sinabi mo? ayaw mo akong mahalin dahil sa panlolokong nagawa ko dati sa asawa ko? Si Paulo rin ba ang nagsabi sa'yo tungkol diyan?" Tanong ni Ricardo sa kanya. Sinakyan nalang ni Elaiza ang iniisip nitong si Paulo ang nagsabi sa kanya. " Yes, si Paulo nga. Pasensya ka na, Ricardo. Pero hindi ko pinangarap ng lalaking katulad mo na hindi mapagkakatiwalaan." Muling prangkang wika niya rito. Nagdilim bigla ang mukha ni Ricardo sa narinig niya kay Aurora. "Grabe na rin ang pagsisi ko hanggang ngayon, Aurora, sa nagawa kong pagloko sa asawa ko. Sa isip ko'y nabayaran ko na nga ang mga kasalanang nagawa ko dahil sa pinagdaanan ko dahil sa kanyang pagkawala." Ani Ricardo na parang na nanunuot ang sakit sa kanyang dibdib sa bawat katagang bigkas niya sa harap ni Aurora. " Kung ma

