Inaakba naman ni Ricardo ang asawa hanggang sa loob ng bagong kubong pinagawa nito. Kay lamig naman ng hangin sa kubong iyon lalo pa't di pa sumikat ang araw. "Dito ka muna sandali, mahal. Hintayin mo lang ako, dahil dadalhin ko muna saglit ang kabayo ko sa may pastulan malapit lang dito sa kubo." Paalam pa ni Ricardo sa asawa. "Oh sige, dahil pagbalik mo ay maliligo kaagad tayo sa ilog, tingin ko'y malapit nang sumikat ang Araw." Tugon naman ni Elaiza sa Asawa. " Okay, sandali lang ako." Sagot naman ni Ricardo sa asawa. Tinungo at kinuha agad ni Ricardo ang kabayong itinali niya sa puno ng duhat at hinila iyon papuntang pastulan. Tamang nagring naman ang cellphone ni Ricardo sa kanyang bulsa. Nilagyan niya ng strong password ang kanyang cellphone kaya di iyon basta mabuksan ni Ela

