Tuloy na sana ang mga Plano nina Paulo at Seniora Teresa sa pagpapaslang kay Ricardo, ngunit biglang nagbago ang isipan ni Paulo na huwag na muna nilang ipaligpit si Ricardo baka pumalpak pa sila. Total ayaw na ni Elaiza kay Ricardo. " Huwag na muna tayong magmadali, Mommy. Kailangan pa nating dagdag na pag-iingat at mga balak upang maging malinis ang lahat, baka pumalpak tayo at kulongan ang mabagsakan natin, alam mo naman maraming galamay at makapangyarihang tao si tito Manuel, at mabilis pakilusin ang batas lalo na kung makapangyarihang tao ang magmamando, kaya delikado, kailangang bawat taong kukunin natin na ipapaslang si Ricardo ay nasisiguro nating hindi ito babaliktad, at hindi balimbing, mayaman si Ricardo at kilalang-kilala na Siya mommy na isang tagapagmana na anak ni Tito Ma

