" Pakiusap tumayo kana! S-sinong nagsabi sa'yo na ako si Elaiza?" Nagtatakang tanong ni Elaiza rito. " Si Paulo. Patawarin at tanggapin mo nalang sana akong muli mahal, tama na ang mga pagtitiis ko ng mga panahong wala ka sa tabi ko. Miss na miss kita." Sabi nito sa kanya. Nabigla si Elaiza nang tumayo nga ito ngunit deretso naman siya nitong niyakap ng mahigpit. Itinulak niya ito ng malakas ngunit malakas din ito kaya di ito natinag sa kanyang pagtulak rito. Nagpumiglas siya at nagalit sa ginawa nito. Hindi siya ganoon kadaling madala sa mga yakap nito para lang muli niya itong patawarin at tanggapin. " Bitawan mo ako, Ricardo! ano ba! hindi ako natutuwa! umalis ka na!" Galit niyang asik rito. Nakawala naman siya mula sa pagyakap nito nang niluwagan nito ang yakap nito sa kanya. Um

