Raven’s Point of View Kita ko ang pag habol n’ya sa van kung saan na kasakay ang anak nya. I love it, sobrang gusto ko ang itsura n’ya sa tuwing nasasaktan at umiiyak s’ya. “Come in!” hininto ko ang sasakyan ko sa side n’ya. “Raven” “Faster! Baka makalayo na sila” sigaw ko. “What happened? Ba’t mo hinahabol ‘yong van?” tanong ko sa kanya. Mabilis s’yang sumakay sa kotse ko, kita ko ang kaba at takot sa itsura n’ya. Tignan ko s’ya sa side mirror, kinagat n’ya ang ibabang labi at linga ng linga sa van na sinusundan namin. Simula ng una ko s’yang makilala, sobrang masiyahin n’ya para bang wala s’yang problemang dinadala kahit wala na s’yang magulang. Na inggit ako, buo ang pamilya ko at may kaya sa buhay, I can give those things my classmate wants pero kahit anong gawin ko s’ya pa rin

