“Please, don’t leave me.” Habang ang mga luha n’ya ay nag uumpisa na naman mag landasan sa mga pisngi niya. “Dylan” tawag ko sa pangalan niya, naka-yuko lang siya habang naka-luhod sa amin ng anak ko. Napayakap ako ng mahigpit kay Nine at ganon din s’ya sa akin. “Dylan tumayo ka dyan” suway ko sa kanya. Umiling siya habang humihikbi “No, please. Don’t leave me, hindi ko kaya mawala kayo” pag mamakaawa n’ya. “Natakot ako dati na mapupunta ka na sa iba kaya ko na gawa ‘yon. Natakot ako dahil sa buong buhay ko ikaw lang ang minahal ko, ikaw lang ang pinangarap ko kaya habang naiisip ko na ika-kasal ka na halos mabaliw na ako, preets” nag umpisa na ulit umiyak si Nine, inaalo ko ang likod n’ya habang hindi pa rin maalis ang tingin k okay Dylan. “Hindi.” Napa-kagat labi ako

