SA UNANG pagkakataon yata ay naramdaman ng insecurity si Dashrielle. Pero sino ba ang hindi mai-insecure sa lalaking may hawig kay Chris Evans? Mas maganda yata na nag-modelo o artista na lang ang bagong OB Gynecologist ni Kaia kaysa ang maging Doctor. Hindi mapakali si Dashrielle. Unang araw pa lang ng check up ni Kaia sa lalaki ay parang gusto na niyang mag-back out. Pero sino ba ang hindi? Bukod kasi sa insecurity ay awkward rin na lalaki ang titingin sa asawa niya. Buti kasi sana kung ibang bahagi iyon. But it is about a sensitive part! Parang suntok kay Dashrielle na i-share ang maselang bahagi ng asawa niya sa ibang lalaki. Professional man ito pero lalaki pa rin ito. At hot. Mas naiinis siguro si Dashrielle sa pinaka-kapansin-pansin na attribute ng Doctor. Paano, mukhang ikinatu

