ISANG araw pa lang na nakakauwi sina Kaia at Dashrielle sa Pilipinas ay inip na inip na siya. Pero mas gusto niya yatang sisihin na dahil mag-isa lang siya. Pumasok na kaagad kasi si Dashrielle sa opisina. Naiwan lang siya sa condo unit nito. Huwag na daw muna siyang magtrabaho at magpahinga muna roon. Hindi sanay si Kaia na walang ginagawa. Gustuhin man rin kasi niya na puntahan ang Daddy niya ay masama raw ang pakiramdam nito. Mas kailangan nitong magpahinga. Wala naman siyang malapit na kaibigan na puwedeng makasama ngayon, Nami-miss na kaagad ni Kaia si Dashrielle. And it feels so bad. Wala pang dalawang linggo na mag-asawa sila. At hindi nila mahal ang isa't isa. There is no reason to be this clingy. Inayos na lang ni Kaia ang sarili. Naisip niyang gumawa ng mga gawaing bahay. Afte

