HINDI pumayag ang parehong pamilya nina Dashrielle at Kaia na wala silang engagement party. Kaya naman two weeks bago sila ikinasal ay nagpahanda ang mga ito. Engrande iyon kahit kakaunti lang naman ang bisita. Karamihan ay kakilala lang ni Dashrielle at pamilya nito. Pinaka-kaunti ang sa kanya dahil wala naman siyang malapit na kaibigan. Wala rin siyang tinuturing na pamilya kundi si Manny Abenilla lang. Wala rin naman itong kamag-anak dahil isa itong orphan at lumaki sa ampunan. Mga kaibigan lang ng Daddy niya ang inimbitahan nito at kakaunti lang rin iyon. Ang tanging nakakausap lang tuloy ni Kaia sa event ay si Dashrielle at ang mga college friends nitong si Cato, Pierre at Seymor. Pero kung ang pamilya nila ay masaya para sa magaganap na kasal, parang kaiba naman ang tatlo. Hindi iil

