GOOD morning, my wife in a few hours... Bumungad kay Kaia ang text na iyon mula kay Dashrielle. Today is their wedding day. Good morning. Excited? reply naman niya rito. Nagreply kaagad si Dashrielle. Emojis lang ang ni-reply nito---donut at eggplant. Napailing-iling tuloy si Kaia. Alam na niya ang ibig sabihin noon---s*x. Masyadong polluted talaga ang utak ng lalaki. Pero sanay na roon si Kaia. Napailing-iling na lang na nireplyan niya ito. "Have patience. I will be busy today. See you at the altar later," Nagreply lang ulit ng emoji ang loko. Dila naman ngayon. Hindi na ulit ni-replyan ni Kaia ang lalaki. Bumangon na siya ng kama. Tama lang naman ang gising niya para sa mga gagawin na seremonyas para sa kanya sa kasal. Nag-almusal muna siya. Nakasabay niya roon ang kanyang ama. Nag

