NAGGISING si Kaia dahil pakiramdam niya ay may humahalik sa paa niya. Nabalot ng takot ang puso niya. Pero hindi siya kaagad makapagreact dahil may kasamang kiliti ang mga halik na iyon. Nagustuhan niya ang mga halik. At nang ma-realize rin niya ang sitwasyon niya ay pinilit niya na kalmahin ang sarili. There is no need to panic. It was just her husband... Iminulat na ni Kaia ang mga mata. Patay na ang main light sa kuwarto. Tanging lamp shade na lang ang nagbibigay liwanag roon. Pero makikita pa rin ang kabuuan ng kama at nakumpirma nga niya na si Dashrielle ang istorbo. Nakita rin niya na itinaas nito ang suot niyang pajama dress. Hubad na ang mga hita niya sa harap nito. "A-anong oras na?" Sigurado si Kaia na nakatulog na siya. Ang hindi nga lang niya sigurado ay kung matagal ba. "I

