Chapter 12

1668 Words
TILA MABUHUSAN kami ng malamig na tubig nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Madam Kylein. "Kumusta si Fyane, Rio?" Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang hindi niya mapuna ang mga itsura namin. Kaya agad siyang lumapit upang tingnan ang kondisyon ko. "What happened? Bakit kayo umiiyak?" tanong nitong muli. Mukhang hindi kami nakaligtas sa katanungang iyon. Sandali pa kaming nagkatinginan ni Sir Rio bago pa siya sumagot, "Ah, mom, don't worry about Fyane, she's fine. At ang aming pagluha ay dahilan lamang ng aming kasiyahan." Napaawang ang bibig ni Madam Kylein sa narinig. "Ow? Is there a good news, hah?" Napatango si Sir Rio. "Yes, mom. 'Cause she's one month pregnant." Napatakip si Madam Kylein ng sariling bibig habang ako naman ay hindi magawang makapag-react. Maya-maya pa'y agad na nagliwanag ang mukha ni Madam Kylein at sa pagkakataong iyon ay ang tanging alam niya lang ay ang katotohanang buntis ako subalit hindi ang dahilan at kung sino ang ama ng dinadala ko. "Wow! That's a blessing! Sayang lang dahil kung natuloy lang ang kasal nina Jerica at Kyru ay may apo na rin sana ako," sabi niya na nagpawala ng ngiti ko. At tila nakaramdam naman si Sir Rio dahil mabilis niya akong hinawakan sa braso. "Mom, please excuse us." At sinenyasan niya ako na sumunod na lang sa kaniya. Samantala'y nagtataka naman si Madam Kylein sa ikinikilos namin. Nagpunta kami sa may garden at doon niya ako muling kinausap, "Pasensya ka na kung hindi mo nagustuhan ang sinabi ni mommy." "Okay lang, alam ko naman na wala pa siyang alam, e." "Pero tiyak na matutuwa 'yon kapag nalaman niyang magkakaapo na siya." Sandali pa kaming nagkangitian matapos niyang sabihin 'yon. At hindi ko akalaing darating ang araw na ito, na magiging komportable kami sa isa't isa. - Masaya akong nagliligpit ng aming pinagkainan at nang mga sandaling iyon ay tahimik ang buong paligid. Nakakapanibago dahil hindi kagaya sa kabundukan ng Floresca na maririnig mo ang mga huni ng mga ibon at mga kuliglig, maging ang agos ng ilog na siyang nagbibigay buhay sa buong kapaligiran. Tunay ngang nakaka-miss ang ganoong pakiramdam, kaya matapos kong magligpit ay naisipan kong gamitin ang telepono upang matawagan ang pinsan kong si Fritzy. Mula sa aking bulsa ay naroon ang papel kung saan ay ang sulat-kamay pang numero na ibinigay ni Fritzy sa akin bago kami maghiwalay dito sa Maynila. Napapangiti ako habang naririnig na nagri-ring ang kabilang linya at mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa nang bumungad na ang boses niya. Umaasa akong may malalamang balita tungkol kina Amang at Inang. "Fritzy, Si Fyane ito," pagpapakilala ko. "Oh! Fyane! Mabuti naman at tumawag ka!" Sa boses niya ay halata mo ang kasiglahan ng kaniyang boses. "Oo, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakatawag, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras." "Talaga? Kumusta naman ang mga amo mo? Mababait ba sila? Hindi ka ba nila sinasaktan?" "Oo, mababait sila Fritzy, ang totoo niyan ay tumawag ako sa'yo hindi lang dahil para kumustahin ka kundi dahil kina Amang at Inang, kumusta sila?" Si Fritzy lang kasi ang madaling mako-contact nila Inang dahil may numero silang ibinigay dito. Mahirap ang komunikasyon sa pagitan namin lalo pa't pareho lang kaming nakikigamit ng telepono. Pero halos magtaka ako nang hindi man lang makarinig ng sagot mula sa kaniya. "Fritzy?" "Nandito pa ako, Fyane." "O, bakit hindi ka makasagot?" "E, kasi Fyane.. Hindi mo magugustuhan ang ibabalita ko." Sa boses niya ay maririnig mo ang pagkagaralgal pero nanatili pa rin akong kalmado. "A-ano bang nangyari?" "Sabi ni Tiyang ay hindi na raw makapagtrabaho si Tiyong dahil sa kahinaan na ng katawan nito. Lalo na ngayon at inangkin na lang ng kung sino ang inyong taniman na inyong nagsisilbing kabuhayan.." Halos matutop ko ang sariling bibig. Hindi ko alam at wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng karangyaang nararanasan ko rito, magandang bahay at sapat na pagkain ay ang kabaliktaran naman na nararanasan nina Amang at Inang. Habang iniisip sila ay agad na pumatak ang luha ko. Dahilan para hindi kaagad ako makasagot. "Fyane?" "Fritzy, kailan mo huling nakausap sila Inang?" Naisip ko lang kasi na napakalayo pa ng kailangang lakarin para makarating sila sa bayan upang makatawag. "Noong isang linggo pa. Bakit, Fyane?" "Wala. Gusto ko lang makasiguro, baka sa makalawa ay matanggap ko na ang sahod ko, maaari mo ba akong samahan pabalik ng probinsya?" "Oo naman, pinsan, basta tawagan mo lang ako." "Sige, ibaba ko na 'to, Fritzy, nakitawag lang kasi ako sa amo ko." "Okay, take care, Fyane," pagpapaalam niya rin. Nang maibaba ko ang linya ay halos mapatalon ako sa gulat nang may boses na bumungad mula sa likuran ko. "Bakit ka uuwi?" "S-sir, patawad po kung hindi ko pa nasabi sa'yo. Magpapaalam pa sana muna ako na umuwi dahil nami-miss ko na ang magulang ko," sabi ko pero natigilan ako nang sandaling iiwas niya ang tingin sa akin. At hindi ko inaasahan ang kaniyang sinabi, "Sasamahan kita." "Talaga po?" Sandali siyang ngumiti kasabay ng isang sobreng iniabot sa akin kaya agad naman akong napatingin doon. "Iyan ang sweldo mo, sabihin mo lang sa akin kung kailan mo gustong umuwi para makapagpaalam tayo kay mom at para masamahan kita." "Pero, Sir Rio, hindi mo naman kailangan na samahan pa ako, e," sabi ko kaya ngumiti siyang muli at agad na tumalikod. Pero sa aking palagay ay nasaktan ko siya sa sinabi ko kaya siya'y aking pinigilan. "Sir Rio," pagtawag ko at napatigil naman siya. "Palagi mo na lang ba akong tatanggihan, Fyane?" Napalunok ako. Humarap siya sa akin at humakbang papalapit sa akin. "Yung sinabi ko kaninang gusto kita at ang tungkol sa mga nalaman ko, huwag kang mag-alala dahil hindi iyon makakaapekto sa pagiging katulong mo sa amin. At isa pa, maaari mo naman akong maging isang kaibigan." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, hindi ko inaasahan na manggagaling mismo iyon sa kaniya lalo pa't nakilala ko siya bilang masungit. Napangiti na lang ako at sa kaniyang muling pagtalikod ay hindi ko na siya pinigilan pa. Sapat na sa akin ang kagustuhan niyang maging magkaibigan kami sa kabila ng mga nalaman niya. Makalipas ang ilang araw.. Hindi ko na muling nakita pa si Jerica matapos ang araw ng libing ni Kyru. At kagaya nang sinabi ni Sir Rio na sasamahan niya ako ay heto ngayon at kasama ko siya upang magtungo sa bahay nila Fritzy. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Madam Kylein na makauwi kahit dalawang araw lang. Pansamantalang nag-file ng leave sa trabaho si Sir Rio nang dahil sa akin. Hindi ko akalain na sa maikling panahon ay magugustuhan niya ako, at sa hindi inaasahan na pangyayari ay hindi ko naman inaasahan na magkapatid sila ni Kyru. Sadya kayang inilapit ako ng tadhana sa kanila upang malaman din nila ang katotohanan? Ang sasakyan ni Sir Rio ang sinakyan namin papuntang probinsya. Samantala'y ngingiti-ngiti naman ang pinsan kong si Fritzy nang makita niya si Sir Rio at sa pakiwari ko ay natitipuhan niya ito. Pinili ko na lang munang huwag sabihin kay Fritzy ang pagdadalang-tao ko. Mahigit apat na oras din ang aming ginugol sa biyahe. At tila umaliwalas ang mukha ko nang matanaw ko na ang kabundukan mula sa bayan. "Kailangan mong iwanan ang sasakyan mo rito, Sir Rio, dahil mahirap umahon sa kabundukan," sabi ko nang malapit na kami sa daanan papunta sa amin. "Ah ganoon ba, sige ayos lang," pagsang-ayon niya. "Kailangan natin lakarin paakyat, sir, paumanhin po kung kinakailangang mahirapan ka." "Okay lang, 'no! At isa pa ako naman ang nag-presinta na sumama sa inyo, di ba?" Napangiti na lang ako sa isinagot niya. Malayo na sa nakilala kong Rio simula pa no'ng una. Tagaktak ang mga pawis namin nang marating namin ang kabundukan ng Floresca subalit makikita pa rin ang kaguwapuhan ni Sir Rio kahit pawisan na ito. Kapansin-pansin na tila kinikilig naman si Fritzy nang madako ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam subalit tila ramdam kong nagustuhan ni Sir Rio ang mga nakikita niya rito sa Floresca dahil mahahalata sa itsura niya ang pagkamangha. "Napakasarap pala ng hangin dito sa inyo!" masigla niyang sabi. Samantala ay sumalubong naman sa amin si Mikee, ang alaga kong pusa. Halata sa itsura niya ang kalungkutan pero nang makita niya ako ay halos kuminang ang kaniyang mga mata. Sobrang na-miss ko siya! Mula sa labas ay bumungad sa amin si Inang, nagmano ako sa kaniya at maging si Fritzy. Subalit napatingin siya ng kakaiba kay Sir Rio nang bumati ito at magpakilala. Marahil ay iniisip niyang nobyo ko ito. "Pasok kayo. Naku, hijo, pagpasensyahan mo na ang aming munting tahanan." "Ayos lang po, tita." Napangiti naman ako sa pagtawag niya kay Inang sa katagang iyon. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na sana ay minsan ko rin naipakilala si Kyru at tawagin niya rin sa ganoong kataga si Inang. At mula sa aming munting salas ay natanaw ko ang paa ni Amang mula sa pagkakahiga. Doon pa lang ay napawi na ang ngiting kanina lang ay nasa aking labi. Kaya dala ng matinding emosyon ay natigilan silang lahat nang tumayo ako para lapitan si Amang. Labis akong nahabag nang makita ang kondisyon niya, kumpara nang huli ko siyang nakita ay mas pumayat siya at lumubog pa ang kaniyang pisngi. Hindi mo rin makikita ang ngiti sa kaniyang labi dulot ng sakit na nararamdaman subalit ang kinang sa kaniyang mga mata ang nagsisilbing palatandaan na masaya siya na nandito ako. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang palad na tinugunan niya naman at sinabi, "Amang, sobrang na-miss ko po kayo. Magpalakas ka at magpakatatag ah.. mahal na mahal ko po kayong dalawa ni Inang." "A-anak, p-paumanhin dahil m-mukhang hindi na ako m-magtatagal-- Ah!" Natigilan ako sa pag-ingit niya. Pero pinilit niya pa ring ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin, "M-mabuti dahil sa mga s-sandaling ito ay nakita kita. Mahal na mahal kita, anak.." At halos gumuho ang mundo ko nang unti-unti niyang ipikit ang kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD