Examination Binubuo ng sampong grupo ang Freshmen final examination. Anim na grupo sa Section ng mga Class B and C, at apat naman sa section ng Class A. Ngunit kulang sila Dami ng isa dahil namatay si Quasar. Inihanda niya ang kanyang susuoting uniporme na kulay dilaw. Maka ilang buntong hininga na ang kanyang ginawa. Hindi naman siya kinakabahan dahil, mas malala naman ang kanyang naranasan noon. Ngunit nang bumalik siya sa nakaraan ay para bang nakaramdaman siya ng panghihina sa kanyang katawan. Hindi katulad ng dati tuwing nakikipaglaban siya. Lumabas siya ng pintuan at agad sinalubong si Aguil na nakasuot ng kulay pulang uniporme. Masamang titig agad ang sumalubong nito sa kanya. Hindi na niya pinansin at dire diretso na lang ang lakad niya sa malawak na field kung saan nakapila an

