“Sasama din ako,” Ani ni Shin nang marinig si Dami. Nanlaki ang mata ni Dami at napatingin sa kanya. Si Rhinega ay nahinto sa paglalakad nang marinig si Shin, ngumisi siya at umiling bago pinagpatuloy muli ang pagbaba ng hagdan. Bumagsak ang balikat ni Faraj. Hinawakan niya ang kanyang sintido at umiling. Malilintikan siya sigurado pag may erudite at iba pang sumama maliban sa dalawang pinatawag ng punong ministro. Aalma na sana ang binata nang nag umpisang naglakad si Shin at sumama naman si Dami. Sumulong siya ng isang hakbang ngunit agad natigil. Umangat ang giliran ng labi ni Upher at umiling. PALIPAT lipat ang tingin ni Onver kina Rhinega, Upher, Dami, Shin, at pabalik kay Faraj. Binatukan niya ang alagang CWPO agent kung kaya’t agad napahawak ng ulo si Faraj at tumingin sa kanya.

