Episode 24: Enemy

1184 Words

NAKATUKOD ang dalawang palad ni Amara sa magkabilang tuhod nito. Hingal na hingal siya habang nakatingin sa mga metahuman na naging statwa at hindi niya pa nabubura ang mga ala-ala nito.  Kanina pa niya nililibot ang buong Arena, pero hindi pa siya nangangalahati sa pagbura ng kanilang pinakabagong memorya kung kailan naglaban si Rhinega at Dami. Pumameywang siya at umiling. Muli siyang nag ipon ng enerhiya at mabilis na tumakbo para tunguhin ang mga metahuman. Manunumbalik ang takbo ng oras pagpatak ng midnight kaya kailangan niyang bilisan. “Need help?” Panandalian siyang nasindak nang marinig ang boses ng lalake sa kanyang likuran. Napalingon siya kay Rhinega na nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nito. Lumuluwa ang mga mata ni Amara at napaturo pa kay Rhinega sa gulat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD