AGAD namangha si Amara nang makarating sila sa bahay nina Rhinega. Si Rhinega nama’y dire diretso ang lakad patungo sa kwarto ni Dami. “Hindi mo naman sinabi na binahay mo na pala si Dami,” wika ni Amara. Umaangat ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar habang hindi naman inaalis ang ngiti sa kanyang labi. Nahinto nang kakalakad si Rhinega. Kunot noo niyang tiningnan si Amara. Hindi nito alam ang kanyang pinagsasabi. “Tumigil ka at baka marinig ka nga serbidora.” Saad ni Rhinega sa kanya. Napatingin naman si Amara sa kanya. Sumimangot ang dalaga at binilisan na lang ang paglalakad para maabutan si Rhinega nang nagsimula itong maglakbay muli sa kahabaan ng pasilyo. Naka tanaw si Dami sa labas ng baranda habang naka ekis ang dalawang kamay. Pinagmamasdan nito ang abalang syudad mula sa

