We won this war. That's what Greg said as he headed to the kitchen habang si Marian ay naupo sa couch nito sa sala. Her brother, Harold, was standing near the elevator room. Wala kasing main door ang penthouse maliban sa dalawang maliit na pintong kunektado sa dalawang elevators. Masama itong nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang dito. "Bakit ba parang galit na galit ka sa'kin?" Hindi maiwasang tanong niya rito. "Bakit ka nandito?" tanong nito pabalik na ikinairap naman niya. Huminga siya nang malalim saka deretsong tiningnan ito sa mata. "Why did you kill Anzen?" Walang bakas ng kahit ano'ng reaksyon ang mukha ng kapatid niya. Na bahagyang ikinalungkot naman niya. Ganito na ba ito katigas ngayon? Ibang-iba na talaga ito ngayon kaysa noong huling araw na nagkasama s

