Gregory McGreen. Mayaman. Tinitingala. Kinatatakutan. Ngunit, kahit nasa kanya na ang lahat, may natatanging bagay pa rin siyang inaasam na kaylanman ay hinding-hindi niya makukuha. Iyon ay ang puso ni Marian Gonzalo. Ang asawa ng kanyang mortal na kaaway na si Travor Henderson. Bata pa lang siya ay kilala na niya ang noo'y musmos pa lamang na si Marian. Magkakilala kasi ang kani-kanilang mga ama. Ngunit, sadyang ganoon talaga ang kapalaran. Hindi lahat ng magagandang bagay ay nasa sa'yo. Nakangising mukha ni Don Ismael Henderson ang nakita niya nang maupo siya sa monoblock chair na nasa harap ng inuupuan nito. Nakatali ang mga kamay at paa nito habang nakatali naman ang buong katawan nito sa upuan. "Good mood, eh?" bati niya rito. Bagot na tingin ang ipinukol ni Don Ismael sa kanya. "

