Marian chose to move on her own. Hahanapin niya si Don Ismael. Hindi na rin sila gaanong nakakapag-usap ni Anzen dahil sa rami ng video recorder at cctv sa bahay nito, kaya hindi niya na naitanong dito kung ano pa ang nalalaman niya. Pagkagaling niya sa bahay ni Anzen ay agad niyang tinungo ang base ng kanyang ama. Naroroon na kasi ang mga kakailanganin niya. Saka na lamang niya poproblemahin ang darating na subasta. As if, she needed that pair of red eyes. Oo, malaking halaga ang makukuha niya oras na mabawi niya iyon. Aba, maski taga-ibang lahi ay mainit ang mata sa mga matang iyon. She checked all the areas bago siya pumasok. Mahirap na baka may makakita sa kanya. Bukod sa kanila ni Anzen, wala nang iba pang nakakapunta roon. She's now wondering about her brother, Harold. Nagagawi kaya

