000023xx I do, too Two weeks after the scene under Esquivels' table, balik Manila na kami. We were everywhere together. Nagpupunta kami kung saan kami dalhin nung sasakyan nya or kahit saan mang malakad namin from a distance mula sa daycare. We ate ice cream, we played in arcades na lagi naman akong natatalo. Nalaro na din yata namin lahat ng games nya sa PS4 na lagi din naman akong natatalo or minsan naman pinagbibigyan nya ako. "Thank you manang!" Kasalukuyan akong nasa palengke at namimili ng kung anong mapagtripan kong prutas dahil biglang parang gusto kong kumain ng kung anu-ano. Malas lang ng prutas at sila trip ko ngayon. So far, ang nandito na sa aking dala-dalang bag ay mangoes, apples, lanzones, and rambutan. Medyo mabigat na din dahil tig-2 kilos yung pinagbibibili ko.

