00008xx Jacket Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatayo ako sa tapat ng isang pamilyar na villa – ito yung natapatan ko nung isang gabi nang maglakad-lakad ako. Ang pinagkaiba ngayon, ako lang yung mag-isang nandun at madilim ang paligid. Malakas ang ihip ng hangin at madilim ang kalangitan. Natatabunan ito ng maiitim at animo’y galit na mga ulap. Tuluyan na yatang naging bagyo yung sinabi na low pressure area ni Kuya Kim nung isang gabi. Kaya siguro malakas at mas lalong lumamig at hampas ng hangin. Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong naka-fleece shorts lang ako at natatakpan ng isang knitted hoodie cover-up. Teka, nasan yung mga kasama ko? Lalakad na sana ako sa direksyon pabalik sa building kung nasaan yung room ko pero bigla na lang bumuhos yung napakalakas na ul

