Makalipas ang isang buwan ay gumaling na si Aeros. Naghahanda na din kami nila Abby at Elise na ire-open ang studio dahil ang tagal din naming nawala. Sa mga araw na iyon ay sinong mag-aakala na ang dami palang nagtatanong kung kalian kami magbubukas. We actually got good reviews sa mga previous customers namin. “Frenny! Ang dami nating cutomers ngayon. I’m tired! Kailan ba kayo ikakasal ni Papa Aeros para naman magkaroon tayo ulit ng party time.” I smiled. Speaking of the wedding ay simula nang bumalik na din kami dito ay matagal na din palang inayos nila Tatay at Papa ni Aeros ang kasal namin. Simula kasi nang malaman nilang buntis ako ay sila na ang nagprepare sa kasal namin. Bawal daw kasi akong ma-stress. Lalo na nasa first trimester ako ng pagbubuntis ko. “Frenny! Nandyan na si A

