AFTER 5 YEARS... Ki-el’s POV “Highest superior, Mr. Manalaysay wants to meet you.” Napangiti ako noong marinig ang sinabi ni Dagon. Parang ang sayang ulit-uliting pakinggan ang tawag niya sa akin. Sa nakalipas na mga taon, ako na ang itinalaga bilang mataas sa lahat at bilang panimula, ipinataw ko ang kautusang malayang pagmamahal sa bawat isa. Simula noong mawala si Damon, kami na lamang ni Hell at kuya Azrael ang tumayong mga pinuno ng mga distritong hawak at sa pagkamatay ng highest Superior ay nagkaroon ng botohan kung sino ang susunod. Si Hell ay napasok ng monstrous dahil tulad ni Gabriel, ayaw man ng kahit sinong na sa loob na maging parte siya ng monstrous site ay wala ring nagawa basta’t may napatunayan. Si Hell ang nakakuha ng pinakamataas na source sa Australia kaya’

