Azrael’s POV “She’s back.” Halos mawala ako sa sarili noong marinig ang sinabi ni Damon.Tinignan ko siya bagamat umiwas ito agad ng tingin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang sitwasyon namin dahil kay Ava. Muli kong kinuha ang babasahin. “I don’t care,” pagkukunwari kong sagot kahit ang totoo, sobra akong nananabik na muli siyang makita. “Azrael,” tawag niya sa akin. “You may now leave,” ma-awtoridad kong utos sa kaniya na hindi naman sinunod. “I just want to…” Inihagis ko ang librong na sa lamesa. “I said, leave me alone. Don’t waste my time,” Tumango siya bago umalis. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang magpatawad sa lahat ng mga nangyari, maging sarili ko ay tila wala na rin kapatawaran. Anong klase akong lalaki na nagawang tiising saktan ang babaeng mahal

