Madalas ang pabalik-balik ni lola sa hospital na mas pinag alala ko,tatlong araw na rin akong hindi pumapasok sa bar dahil walang mag aalaga kay lola,nag aaral na kasi si Didang kaya wala na akong maaasahang magbabantay sa kanya. Tinawagan ko pa si Ruselle ngunit hindi ito sumasagot,nagtaka din ako sa kanya ilang araw na itong hindi pumapasok nag aalala na rin ako,sabi ni Maria nung isang linggo pumunta raw ito sa bar ngunit mabilis lamang. Gusto ko sanang tanungin si Madam tungkol sa kanya pero madalas itong abala kaya hindi ko siya matiyempuhan. Hindi ko pa nga naibigay sa kanya ang pera na pasasalalamat ko sa malaking tulong na naibigay nito sakin,kung hindi dahil kay Ruselle hindi ko makakasalamuha si Mr.Ibrahim Bumuntong hininga ako ng maalala ko ang huli naming pagniniig doon mi

