Ibrahim's POV Nang makita ko sa di kalayuan na si Donatello ang nagpalabas sa akin sa kulungan ay may idea na ako na papatayin ako ng gagong ito Pagkakita nila sa akin ay agaran silang kumilos at walang tigil nilang pinagbabaril ang aking kinaroroonan. Humanap ako ng ibang daan para matakasan ko sila,ngunit mabilis ang bawat kilos ng kanyang mga kasama. May mga grupo ito na nakaabang sa bawat kanto na aking madaanan. Kailangan kong maging alisto, binaybay ko ang bawat gilid ng eskinita ng may pag iingat. Ngunit nakasalubong ko ang isa sa kanyang mga tauhan. inipon ko ang aking natirang lakas at nagpambuno kami sa bawat isa, tanging puntirya ko ngayon ay makuha ko lamang ang kanyang baril,halos limang minuto kaming nagsuntukan hanggang sa naagaw ko ang kanyang dalang armas at walang h

